#HORROR STORY MODE:) ESTUDYANtii Bilang isang estudyante, - TopicsExpress



          

#HORROR STORY MODE:) ESTUDYANtii Bilang isang estudyante, natural na sa atin ang "RETREAT" hindi maiiwasan ang mga ganung pangyayare pero may isang pangyayareng hinding-hindi namin makaka-limutan... Pito kaming magka-kaibigan classmate narin kung tutuusin si Marty, Stephany, Precious, Potchie, Sherene, Marie Char at ako (Michael) sa school kasi namin taon-taon ng ginaganap ang Retreat hinding-hindi kami nagpapa-huli sa mga happenings sa school kasi lagi kaming game sa mga school activities dagdag grade na rin kasi. Sa Tagaytay daw kami mag-re-Retreat kaya halong saya at excited ang nararamdaman namin so we decided to buy some Junkfoods, Juice etc. na may makukutkot habang nasa biyahe... Dumating na din ang araw na pinaka-hihintay namin ang araw ng Retreat mga 4:00 a.m. nasa school na kami kasi 4:30 a.m. dapat paalis na daw unang batch kami ng bus. Habang nasa byahe kami walang tigil na tawanan, kuwentuhan, at kainan ang nangyari piling ko nga inis na sa amin ang iba pa naming kasama sa bus kasi sobrang ingay namin 2hours ang biyahe kaya wala ring magawa kundi kwentuhan. "Finally Wer Here" sabi ni Stephany. "Mamili na kau ng kwarto nyo Lima Lang Kada Kwarto" sabi naman ng isa naming Teacher. "But Sir pde po bang pito sa isang kwarto kasi di namin makaka-sama ang dalawa naming kaibigan" sabi ni Sherene. "Oh! cge na bahala na kaung mag-sik-sikan" sabi ni Sir. "Yes!" sabi naman naming lahat. Sumapit na ang gabi at pinapalabas kami sa Orientation Area kasi mag-kakaroon daw ng isang meeting kami namag pito ay naisipang wag ng umattend nag-kwentuhan na lng kmi ng mga kababalaghan. Sa kalagitnaan ng kwento ni Marie Char ay may narinig kaming tumakbo sa may labas ng pintuan o Corridor sa isip-isip namin isa lang yun sa mga kasamahan namin kaya pinawalang bahala na namin maya-maya may tumakbo na naman but this time ang lakas na ng pag-takbo nya kaya sinilip ni Marty ngunit wala naman daw syang nakita kaya minabuti na naming sumunod sa Orientation Area. Tinanong namin sa isang Co-Teacher kunq may tao sa taas bukod sa aming mga bumaba at laking gulat namin sa kanyang sagot "wala ng tao dun bukod sa inyong mga bumaba, bakit?!" sabi nya "kasi may naririnig po kaming tumatakbo sa taas kanina nung nasa room kami" sabi ko.. kina-umagahan nag-karoon kami ng isang activity "Sharing A Good News" ung title habang nagku-kwento ung isa naming samahan nag-C.R. ako ngunit walang sumama sa akin. Habang na-ihi ako narinig ko na naman ung takbo sa labas ng cubicle "Marty kaw ba yan?!" tanong ko ngunit walang sumagot inulit ko ulit "Marty kaw ba yan?!" wala talagang nasagot kaya nag-madali ako lumabas sa C.R. Kina-gabihan kinuwento ko sa kanila ung nangyari sa akin sa C.R. at sabi nila wag na lang daw pansinin. exactly 1 a.m. na-alimpungatan ako at narinig ko na naman ung natakbo but this time hindi na sa Corridor ramdam ko na ung mabibigat nyang paa sa paanan ng aming kama pinilit kong tingnan laking gulat ko ng isang malaking mama na-itim na itim ang buong katawan at natakbo pabalik-balik habang naka-tingin sa aming pitong naka-higa napa-mura ako sa takot at nag-dasal.. ngunit nandun parin kinulbit ko si Precious na katabi ko at sinabi ko ung nasa paanan namin.. napa-iyak na lang sya sa takot nag-lakas loob na bumangon ngunit pag-bangon ko nawala na lang ito bigla. Ginising namin ni precious silang lima at kinuwento namin yung nangyare... Kina-bukasan uwian na naming lahat at nakita namin ung Caretaker nitong Retreat House at kinuwento namin ung naramdaman at nakita namin dito. Eto ang sabi nya "Ahh!! kala ko walang makakaramdam at makaka-kita sa nilalang na yun isa ung Kapre na mapag-laro di sya nananakit mahilig yun mag-paramdam o magpakita sa mga masasayahing tao" yun ang sabi napag-isip namin nagustuhan nya pla kmi dahil masayahin kming mag-kakaibigan.......
Posted on: Mon, 09 Sep 2013 04:44:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015