Heb,1:1-2-Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa - TopicsExpress



          

Heb,1:1-2-Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa ibay ibang panahon at sa ibat ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit ngayon, ang Diyos ay nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob at si Jesus ang itinalaga niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. Rev.1:1-Ito ang paghahayag ng Diyos kay Jesu-Cristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng mga anghel. Ang layon ng paghahayag na itoy ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. ANG BABALA NI JUAN REV.22:18-Sa sinumang magdagdag sa nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito. Rev. 22:19- At ang sinumang mag-alis ng anuman sa hulang nasasaad dito ay aalisan naman ng Diyos ng Karapatan sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lunsod na binabanggit dito. Deut.4:1- Upang tayoy mabuhay nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay ng Diyos, Unawaing mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. Deut. 4:2- Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ito nang walang labis at walang kulang. Deut. 4:5- Ngayon ngay itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang inyong sundin. Deut.4:6- Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon, makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Pro.3:5-6- Ang lahat ng Salita ng Diyos ay mapananaligan at ang Panginoon ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya Huwag mong daragdagan ang kanyang salita pagkat pagsasabihan ka niya na isang sinungaling. Deut.12:32- Sundin ninyong mabuti ang lahat ng iniuutos ko sa inyo, walang labis walang kulang. 1 Peter 1:20-21-Higit sa lahat, tandaan ninyo na walang makapagpapaliwanag ng alinmang hula sa Kasulatan sa bisa ng kanyang sariling kakayahan. Sapagkat hindi sa kalooban ng tao ang hula ng mga propeta; itoy galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong Kinasihan ng Espiritu Santo. Juan 5:39- Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin, ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayoy magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isa.8:20- Nasa inyo ang aral ng Diyos at ang patotoo! Huwag kayong makikinig sa mga sumasangguni sa espiritu, ipapahamak lang kayo ng mga iyan. Isa.34:16- Sa aklat ni Yahweh, hanapin ninyo at basahin. At walang isa man sa kanila ang mawawala; Bawat isay may kaparis , pagkat itoy utos ni Yahweh , at siya ang kukupkop sa kanila. Lk.24:27- At ipinaliwanag sa kanila ni Jesu-Cristo ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 17:58:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015