Hindi porke’t may tattoo, longhair, may balbas o manginginom e - TopicsExpress



          

Hindi porke’t may tattoo, longhair, may balbas o manginginom e masamang tao na. Lahat tayo ay may kanya-kanyang style ng pamumuhay at hindi lahat ng gusto mong style ay gusto na din ng iba at hindi porke ganun sila manamit o ganun ang istilo nila ay masama na silang tao. Kalooban at pag-uugali ang tinitignan sa isang tao, hindi ang panlabas na kaanyoan. At hindi porke manginginom ay hindi na matino ang pag-iisip na kesyo matakaw na sa gulo at gagawa na ng hindi mabuti sa kapwa. Yung ibang tao, umiinom lang para magpaka-saya at hindi para magpaka-lasing. Wag mong lahatin. Maraming tao ang mukhang anghel, kilos anghel pero utak demonyo. Magaling magsalita, magaling pumuna pero hindi kayang ugaliin. Ang malungkot pa nito, kung sino pa yung naturingang mga MABUBUTING TAO, sila pa ang mahilig humusga ng kapwa. Hindi porke’t mataas ang estado ng buhay mo ay hari ka na. Hindi porke’t pala-simba ka ay santo ka na. At hindi porke malinis ang pamumuhay mo ay mabait ka na. Lahat ng tao ay pantay-pantay. Lahat tayo ay maka-salanan. Kaya wag mong husgahan ang isang tao sa kasalanan nya dahil lang magka-iba kayo ng kasalanang ginagawa sa buhay. At wag na wag mong huhusgahan ang isang tao base sa itsura nito, maging kapamilya, kapitbahay o ka-opisina mo man yan, dahil baka yang mukhang addict na yan o yang mukhang barumbado na yan ay may mabuting kalooban na kahit buhay nya ay itataya nya para inyo. Lagi nyong tatandaan: Minsan mas malinis pa ang marumi kesa sa nagmamalinis.
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 06:38:46 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015