Hinuli sa bawal na U-turn nanapak ng traffic enforcer Nakatikim - TopicsExpress



          

Hinuli sa bawal na U-turn nanapak ng traffic enforcer Nakatikim ng sapak sa mukha ang isang traffic enforcer sa San Juan City makaraang sitahin at tiketan ang isang lalaking nagmamaneho ng Toyota Hilux na nag-U-turn sa ipinagbabawal na lugar sa Greenhills nitong nakaraang araw ng Lunes. Inireklamo ng traffic enforcer na si Rene Ladera, 32, sa pulisya ng San Juan ang ginawang pananapak sa kanya ng nahuling motorista na si Jorge Ong Tan, 30, na napag-alaman na isang supervisor umano ng Tanduay Distillers Inc. at nakatira sa 7th Avenue, Caloocan City. Isinalaysay ni Ladera na alas-5:23 ng hapon, habang abala siya sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Ortigas Avenue ay bigla na lamang nag-U-turn ang sasakyan ni Tan sa kabila ng may nakalagay na traffic sign kaya sinita niya ito. “Dahil may paglabag siya kaya ko siya sinita at hiningi ko ang kanyang lisensiya para maisyuhan ng Official Violation Receipt,” pahayag ni Ladera. Pero nagalit umano si Tan sabay sinuntok sa mukha ang traffic enforcer. Nakita ng mga kasamahan ni Ladera ang ginawa sa kanya ni Tan kaya sumaklolo sa kanya at tuluyang inaresto si Tan na dinala sa himpilan ng San Juan Police. Ayon kay Ladera, inireklamo na rin niya ang nanapak na motorista sa punong-tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City at kanya umanong hiniling na bawiin ang lisensiya ni Tan. Matatandaan na ganitong insidente rin nasangkot at kinasuhan ang isang bisor ng isang kumpanya ng sigarilyo na sinapak ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Saturnino Fabros makaraang sitahin nito sa isang traffic violation noong nakaraang taon. Nagsampa rin ng pormal na kaso sa korte at LTO si Fabros laban kay Robert Carabuena na naging dahilan upang kanselahin ang driver’s license nito. ATNews Admin Rapista
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 07:33:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015