Huwag magsuot ng belo habang nagtuturo - DepEd Ni Mer Layson - TopicsExpress



          

Huwag magsuot ng belo habang nagtuturo - DepEd Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 24, 2013 MANILA, Philippines - Iniutos ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga guro na muslim na huwag magsuot ng belo sa loob ng classroom habang sila ay nagtuturo sa kani-kanilang mga estudyante. Ginawa ni Education Secretary Armin Luistro ang kautusan makaraang makarating sa kanyang kaalaman na maraming muslim teacher ang nagsusuot ng belo sa kanilang pagtuturo na nakakasira ng atensiyon sa mga nag-aaral. Sinabi ni Luistro, kapag nakikita ng mga mag-aaral ang ulo at mukha ng kanilang mga teacher ay nagbibigay ito ng magandang relasyon sa bawat isa na maghihikayat sa mga estudyante na makinig sa mga asignaturang ituturo sa kanila. Anang kalihim sa sandaling pumasok na ang mga gurong muslim sa silid-aralan ay marapat na alisin na ang kanyang belo dahil nakahahadlang aniya ito upang makita ng mga estudyante ang kanyang mukha. Ipinaliwanag ng Kalihim na mahalaga na nakikita ng mga estudyante ang buka ng bibig ng mga guro dahil mas nauunawaan nila ang mga letra at tunog na binibigkas ng mga ito. Higit pa aniyang makikilala ng mga mag-aaral ang kanilang guro at magkakaroon sila ng mas mahusay na ‘teacher-pupil relationship.’ philstar/bansa/2013/07/24/1004701/huwag-magsuot-ng-belo-habang-nagtuturo-deped
Posted on: Tue, 23 Jul 2013 18:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015