ISANG OFW SA HONGKONG ISINUGOD SA OSPITAL DAHIL SA ACUTE - TopicsExpress



          

ISANG OFW SA HONGKONG ISINUGOD SA OSPITAL DAHIL SA ACUTE PNEUMONIA! Nasa isolation room ng isang ospital ang isang Negrense domestic helper sa Hong Kong dahil sa pabalik-balik na lagnat. Batay sa report ni Bombo Radyo Correspondent to Hong Kong Merly Bunda, Hulio siete nang unang dinala sa Prince of Wales Hospital si Ella Rose Labrador ng bayan ng La Castellana, Negros Occidental sa tulong ng Ilonggo na mga domestic helpers dahil sa dalawang araw na lagnat. Hulio 11 nang nagdesisyon itong magpa-admit at kahapon ng hapon ay pinayagan na itong lumabas sa pagamutan. Subalit kagabi, muli itong isinugod sa ospital dahil maliban sa lagnat, nahirapan na rin itong huminga. Sa pagsigayasat ng doctor, ito ay na-diagnose na may acute pneumonia. Sinabi ni Bunda na nasa mabuting kalagayan ang pinay domestic helper matapos niya itong makausap kaninang umaga.
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 23:29:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015