Iba’t-ibang klase ng manliligaw: Ligaw Tingin – Tinitignan - TopicsExpress



          

Iba’t-ibang klase ng manliligaw: Ligaw Tingin – Tinitignan mabuti ang babaing sinisinta hanggang sa ito ay matunaw. Kinikilatis at binibilang kung ilang nunal meron sa mukha at kulang ilang beses itong kumurap sa loob ng isang oras. At kung sakali namang mapatingin ang babae, dali-dali itong lilingon sa ibang direksyon o kaya naman ay magpapatay malisya lang. Boy Biro – Magsasambit ng nararamdaman sa pamamagitan ng biro. Sa simula ay matatawa ang babae dahil nakakatawa pero unti-unti itong maiinis dahil totoo na pala ang sinasabi. Dito napapatunayang Jokes are half meant. Kaya pwede pang i-full meant. Kadalasang hindi rin sineseryoso kapag seryoso na ang usapan. Knight Rider – Sa sobrang bilis… bago pa maubos ni babae ang nilibreng kape ni lalake sa Starbucks ay nailahad na nito ang intensyon nito at ang plano ninyong selebrasyon ng 50th Golden Wedding Anniversary. Torpe – Walang imik at kadalasan ang babae pa ang kumikilos para maging kasaya-saya ang inyong date. Kung iimik man ay parang nanggaling sa balon ang boses sa sobrang hina at minsan ay mauunahan sila ng mga ibang manliligaw. Presko – Mas pupurihin ang sarili kesa sa babaeng nililigawan. May posibilidad na sagutin ng babae dahil nadaan sa bilis magsalita at mala ondoy na pakikipag-usap. Mag-ingat sa mga ganito dahil takaw-away ang mga manliligaw na ito. The Perfect Gentleman – Lahat ng hinahanap ng babae sa isang lalake ay posibleng nasa taong ito, yun nga lang sa sobrang perfect nito, mafefeel na ng babae na madami siyang imperfections. Baby Brother – Kung makipagdate ay dun sa maraming anime, arcade at games. Kadalasang kasama mo siyang naglalaro ng dance dance revo o kaya naman ay time crisis sa Time Zone at willing siyang magipon ng ticket na kapag kinalkula mo ay aabot ng 5000 pesos para maipalit sa stuffed toy na halagang 300 sa blue magic. Ubos ang pera sa chichirya at sa malamang sa jollibee lang kayo magdadate. Tropa – Magsisimula sa walang taluhan sa barkada, matatapos sa syinota ang buong tropa. Mas madaling mahulog ang loob sa taong ito dahil kasa-kasama sa mga lakad at alam na ang huwisyo at bisyo ng mga katropang babae. Ngunit mahirap pakisamahan dahil masisira ang barkada dahil may sarili na kayong lakad. Kuripot – Malakas ang loob manligaw pero ubod ng kuripot pagdating sa pagdate. Yayayain kang manood ng sine at kumain sa labas sa kundisyong hati kayo sa bayaran at minsan ay sagot mo pa ang pamasahe niya. May dalang calculator kadalasan para mag compute ng mga binibili ninyo dahil sakto lang sa budget ang dalang pera. Manyakis – Hindi pa nga kayo pero kung maka-akbay daig pa ang magsyotang kalalabas pa lang ng motel. Malikot ang kamay at gagawin ang lahat para maka-tyansing. Galante – Kung makapagbigay ng regalo ay parang binili ang buong SM. Dinadaan sa mga materyal na bagay ang kakulangan sa pagkalalake nila. Asahang mapapasagot ito pag nabigyan ng cellphone ang nililigawan.
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 14:51:21 +0000

© 2015