If I am to boast one thing in my life that is having a God like my - TopicsExpress



          

If I am to boast one thing in my life that is having a God like my God. It all started when i was young, i met an accident and i was declared dead. But obviously, nabuhay ako. Binuhay ako ng isang Diyos. Yung nasa langit daw. I really dont know if i should be thankful dahil nabuhay pa ako. To be honest, yung story ng pagkabuhay ko, instead positive ang gawin sa buhay ko, parang its the opposite. Siguro irerelate ko nalang siya sa isang typical na istorya sa isang teleserye--Yung may isang tao na sa sobrang hirap ng buhay niya e nangutang siya sa isang haciendero, so buong buhay niya e naging magsasaka siya sa hacienda para lang makabayad. Yung mga ganung storya, dba napakamainstream lang? Well, Ganun ang nararamdaman ko, pero this time di siya prinoduce at dinirect ng kung sino, true to life siya. :3 #RealStoryBro. :p Anyway, I grew up feeling like may malaki akong utang sa isang invisible being. I grew up thinking all my life i should do no harm. Dapat hndi ako nkakasakit ng kapwa, dapat maging mabuti ako, kasi binuhay ako ng Diyos.. Ng Diyos.. who at that moment, sobrang intangible, sobrang invisible. Para akong nabuhay sa takot sa isang manlilikha na kahit kailan hndi ko naman nakita o nahawakan, kahit marinig man lang. Sobrang natatakot to the point na naisip kong isang malaking pagkakamali ko e babawiin na Niya ang buhay ko. Ang buhay ko, na kung ineevaluate ko noon, e napakawalang kwenta. Isang malaking FAILURE. Hindi ako naging perpekto. Hindi ko kinaya. Dumagdag pa to sa mga inaalala ko, may utang na nga ako, di pa naging worth-it ang second life na binigay sakin. Para akong yung taong nag-loan pa sa bank para magbusiness, tapos nalugi yung business nya. Pano na ituuu? Dba ang saklap? #BigtiNaBro. Hays. Natatakot ako. Yun ang nararamdaman ko. Natatakot at nahihiya ako. Pero MALI AKO. MALING MALI AKO. Mali ang pagkakakilala ko sa God. Maling God ang na-picture ko sa isip ko. Ikinumpara ko Siya, unang una, sa isang Haciendero. Pangalawa, sa isang banko. Isang araw, nasagasaan akong bigla. Sinagasaan ako sa puso. Sinagasaan ako ng Diyos. Doon nakilala ko ang Diyos. Oo, hindi ko parin Siya nakita, hindi ko parin Siya nahawakan. Pero this time, nakilala ko Siya. :) Hindi Siya yung invisible being na inimagine ko. Yung pinagkakautangan ko. Yung nkakatakot na Diyos nainject sa utak ko, yung mapagparusa at madaling magalit sa masama. Hindi siya yung intangible, dahil nahahawakan na Niya ang puso ko. Hindi na siya Haciendero, hindi narin siya Bangko. Hindi Siya pumayag na di ko Siya makilala. Yung totoong Siya. Mahal na mahal Niya kasi ako. Kaya nga binuhay niya ako dba? Ang Diyos ko, isa pala karpintero, oo, carpenter, yung nag-aayos ng sirang bahay. Yung nag-aayos ng sirang buhay. ;)
Posted on: Tue, 15 Apr 2014 20:19:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015