Ikinulong, ni-rape ng suitor (Cherk Almadin) Tiwalang sumama ang - TopicsExpress



          

Ikinulong, ni-rape ng suitor (Cherk Almadin) Tiwalang sumama ang isang 24-anyos na sales­lady sa kanyang masugid na manliligaw sa Caloocan City kamakalawa ng gabi subalit mistulang pa­tibong pala iyon na humantong sa pagkasira ng kanyang pagkababae matapos ikulong umano ng suspek sa bahay nito at ginahasa sa loob ng dalawang araw. Itinago sa pangalang Dorothy ang biktima samantalang nasa kustodiya na rin ngayon ng Caloocan Police Station at nahaharap sa mga kasong abduction at rape ang suspek na si Robert Kweto, 25, isang tricycle driver, na napag-alamang kababata hanggang sa naging masugid na manliligaw niya. Sa pagsisiyasat ng Women And Children’s Protection Desk ng Caloocan City Police Sub-Station 5, noong Biyernes ng alas-singko ng hapon pa huling nakita ng kanyang mga magulang ang biktima na nagpaalam lamang umano na magpapagawa ng kanyang cellphone. Paglabas sa iskinita ng kanilang tinitirahan ay nag-aabang na pala sa labas ang suspek na may anim na buwan nang nanliligaw kay Dorothy at tinanong ito kung saan pupunta na sinabi naman agad ng biktima. Nag-alok ng libreng sakay ang suspek na pinaunlakan naman ng biktima ngunit hindi pa man nakakalayo ay nagsabi umano si Kweto na babalikan lamang niya sa kanilang bahay ang kanyang driver’s license. Wala umanong ibang tao sa bahay ng suspek pagdating nila roon at pagpasok ay kunwaring nagkakalkal ng gamit si Kweto na tila may hinahanap nga. Nakisuyo pa umano ang suspek na tulungan siyang hanapin ang kanyang lisensiya sa loob ng kuwarto bagay na sinunod naman ni Dorothy. Sa puntong iyon ay sinundan na siya ng suspek at naganap ang panggagahasa. Hindi pa umano nakuntento ang suspek at ikinulong pa nito ang biktima sa kuwarto sa loob ng dalawang araw at paulit-ulit na ginagahasa. Hindi umano makasigaw ang biktima dahil sa banta ng suspek na papatayin nito ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Nagawa lang niya makatakas nang makakita ng pagkakataon at binaklas ang malaking bintana sa banyo ng kuwarto para makalabas at dumiretso na sa himpilan ng pulisya. Pilit na itinatanggi ng suspek at maging ng mga kaanak nito ang akusasyon ng biktima dahil wala naman umano silang narinig na may kakaibang ginagawa si Kweto sa loob ng kuwarto nito subalit ­inaresto pa rin si Kweto batay sa reklamo laban sa kanya ng biktima. abante-tonite/issue/aug2813/crime_story04.htm
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 06:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015