Ilang evacuation centers sa Maynila, binaha Written by Leizl - TopicsExpress



          

Ilang evacuation centers sa Maynila, binaha Written by Leizl Galan Published in Latest News Tuesday, 20 August 2013 20:36 Maging ang mga evacuation center sa lungsod ng Maynila ay inabot na rin ng tubig baha dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan. Partikular na pinasok ng tubig baha ay ang mga inililikas na malapit sa San Juan River. Ayon kay Johnny Yu, OIC ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, partikular na pinasok ng baha ang dalawang evacuation center sa Barangay 596. Dahil dito, sinabi ni Yu na napilitan silang ilipat ang mga evacuee at dalhin sa mas mataas na lugar sa V. Mapa. Sa ngayon nasa 17 na mga evacuation centers na ang naitala ng lungsod, habang umaabot naman sa 2,256 na mga pamilya ang naapektuhan o katumbas ng nasa 9,378 na mga indibidwal. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/18381-ilang-evacuation-centers-sa-maynila-binaha#sthash.1Q8WHWAl.dpuf
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 15:40:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015