Imagine for Shanon Terrece Magbanua Isang kang matapang na medyo - TopicsExpress



          

Imagine for Shanon Terrece Magbanua Isang kang matapang na medyo boyish na babae na kahit ano man ang dadating na pagsubok ay talagang hindi mo uurungan. Pero sa kabila ng pagkaboyish mo ay nainlove ka kay Sehun na isang sikat at president ng SC sa school niyo, kaso idenedeny mo sa sarili mo na wala kang gusto sa kanya. Palagi mong sinasabi na isa siyang over-confident, narcissist, at rude. Isang araw, may nagawa kang kasalanan sa kanya na ikinagalit niya, na kahit anong sorry ang sasabihin mo ay hindi siya nakikinig. Bigla ka nalang binigyan ng papel na papuntahin sa rooftop niyo dahil may ipapagawa siya sa iyo bilang isang kaparusahan. Agad ka namang pumunta doon. Nakita mo siyang nakatayo sa gilid at nilapitan. “You’re late by a minute.” Mahina niyang sabi pero nadinig mo pa din ‘yun. “It’s just by a minute idiot.” Bulong mo sa inis. Kahit isang minute ba naman ay ibinibilang? “What did you say?” tanong niya. Nagulat ka. Narinig niya pala ‘yun? “I said I’m sorry” pagsisinungaling mo sabay irap ng patago. “Sabihin mo na kung ano ang gusto mong ipagawa sa akin para matapos na’to.” Sabi mo na naiinip. “You can have two choices if you want.” sagot nito. “First is, I want you to arrange our upcoming promenade, everything, from venue to the food. Also I want you to do my projects and written reports in the Student Council – “ Bigla kang sumingit ng simula na niyang idetalye ang gusto niyang ipagawa sa’yo. Ano ba naman ‘yun? Ipa-asikaso sa iyo ang prom? As in lahat-lahat? Tapos ‘yung mga project niya at written reports? nababaliw nab a siya? ‘Ni hindi mo pa nga napapasa ‘yung formal theme mo na matagal ng nag-overdue, ‘tas ‘yun pa? Unbelievable! “Okay, ‘dun nalang sa second choice” diretso mong sabi, habang ini-imagine kung ano pa ba ang mas malala na ipapagawa niya. “Good. Well, the second choice is much more enjoying. And I’m sure, you’ll love it too” sabi niya na naka-smirk. Kinakabahan ka sa maari niyang sabihin. “It’s easy” “I” “Want..” bigla siyang lumapit sa iyo na halos ilang inches nalang ang distansya. “You” At ‘yun na boom! End. Lol, medyo cliche na siya. Uwaah! Joeseong Hamnida! Hindi po ako magaling magsulat ng imagines. Uwaah! ♫ Sorry,Sorry,Sorry, Sorry, Naega, Naega, Naega, Naega♫ ~ LayDey♥
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 11:48:16 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015