Isang pastor ang kinasuhan ng child abuse ng isang dating SK - TopicsExpress



          

Isang pastor ang kinasuhan ng child abuse ng isang dating SK feration president matapos kwestyunin ng pastor ang pagiging konstitusyunal ng isang bus stop sa isang bayan sa Pangasinan. Nakatakda ang haring bukas sa isang municipal trial court at regional trial court sa probinsya. Ang kasong child abuse ay isinampa ng anak ng isang natalong mag-asawang politko sa isang bayan ng Pangasinan. Labimpitong-taong gulang pa lamang ang SK Federation Preisdent na kasapi ng Sangguniang Bayan nang kwestyunin ng pastor ang pagiging konstitusyunal ng nasabing bus stop na pinapatakbo ng isang malaking mall. Ayon sa abogado ng pastor, labag sa Konstitusyon ang pag-ooperate ng isang public utility katulad ng bus stop ng isang mall tycoon. Sa public hearing kasi ng pag-operate ng bus stop sa naturang bayan ay naimbitahan ang pastor at kasapi sa hearing nang kwestyunin niya ito na ayon a nooy SK Federation president na kasapi ng Sangguniang Bayan ay natraumatize daw sa pagkwestyon ng pastor sa pagpapatayo ng bus stop. Ayon sa abogado ng dating SK Federation president, dahil nga daw labimpitong-taong gulang lamang ang SK Federation president, at dahil sa pagkatraumatize nito ito na diumano ay child abuse. Samantala ayon sa pastor and dalawang kasama niyang kumuwestyon sa legalidad ng bus stop ay kapwa patay na. Parehong operators ng mga pumapasadang sasakyan ang dalawang napatay na kumustyon sa legalidad ng bus stop.
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 11:48:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015