Ito yong kaso ni Joselito Zapanta (alias Joseph sa Article - TopicsExpress



          

Ito yong kaso ni Joselito Zapanta (alias Joseph sa Article ng GMANews.tv but since pinalabas na ng DFA at ng ibang media ang totoong pangalan, isusulat na rin natin ang totoong pangalan ng akusado). Basic Information ng Crime Scene: Ang Sanie Building ay twin-building na may mahigit sampung palapag ang bawat building. Sa bawat floor naman ay may anim na flats. Sa bawat flat ay may tatlo or apat na kwarto. Maraming pinoy ang nagrent sa mga flats ng Sanie Building dahil ito ay malapit sa Batha. May mga companies din na ito ang ginawang accomodation ng kanilang mga staff. Mula ng dumating ako ng Saudi Arabia, palagi akong nakatambay dito dahil may mga kaibigan akong nagwork sa SRTelecoms kung saan dito ang accomodation nila. Dito rin nakatira ang ibang kasamahan ko sa trabaho. Five years ago, Isa sa kasamahan natin sa adbokasya na si Ka Roland Blanco ay nakatira sa Building 1 (left side). Sa building na ito rin naganap ang krimen. Sa bawat flat ay may isang flat- holder, ang flat holder ay sya na ang naniningil doon sa mga nakatira sa bawat kwarto ng kanilang flat. According to our investigation, si Joselito ay ang flatholder ng kanilang room, ang Room number ay 114. So sya ang maniningil sa mga kasama nya sa kwarto. At sya naman ang sisingilin ng rent collector. May dalawang haris (rent collector) doon, isang masri at isang sudani. Sila ang taga-singil ng upa sa mga flatholders. Ang pangalan ng Sudani ay si Imam Salah Ibrahim. Siya yong Sudani na pinatay ni Joselito Zapanta. Chronology of Events Buwan ng Hunyo, 2009 at nakatanggap kami ng information na may pinatay na Sudani sa Sanie Building, sa Batha. Inalerto kaagad natin ang ating embahada, sina Vice Consul Reyes na maging handa kung sakali may paghuhuliin na mga pinoy doon. May mga pinaghuhuli sa Building 1 for interrogation, nakatutok naman si Mr. Jerome Frias ng ating embahada. Marami sa mga filipino na nakatira doon sa building kasama na yong ibang mga kasamahan sa flat ni Joselito. Pagkatapos nainterrogate ay makakalaya naman thru kafala. Tinanong ni Mr. Frias doon sa police station kung kailan makalaya ang mga Filipino. Ang sabi ng police ay ihanda na lang yong mga kafil (sponsor or employer) pagkatapos ng interrogation. Nakalaya ang lahat pagkatapos ng ilang araw, may iba na hindi macontact yong kafil (sponsor) kaagad at tinututukan naman nina Jerome. Nakalaya ang lahat nang nahuli si Joselito Zapanta at umamin sa krimen na kanyang ginawa. Hindi kaagad nahuli si Joselito dahil wala naman sya sa lugar noong natagpuang patay na si yumaong Salah. Ilang oras pa ang dumaan bago napag-alaman na patay na si yumaong Salah. Ano ang ikinamatay ni yumaong Salah ? May mga tama sa ulo si yumaong Salah at nakita na lang na nakahandusay sa kanyang opisina at wala ng buhay. Nag-isa lang sya doon dahil nakabakasyon yong kasama nyang egyptian. Nawala ang pera at nawala din yong mobile phone ni yumaong Salah. Papano nahuli si Joselito Zapanta ? Pagkatapos ng interrogation sa lahat ng hinuli, napag-alaman na may isang Filipino na nawala, at hindi na makita pagkatapos ng insidente. Napag-alaman din na nawala yong cellphone ni yumaong Salah at ang wallet nito. Nahuli ang filipina ng matace ang cellphone at pumayag na makipagmeet sa authorities sa isang mall. Nahuli si Joselito sa entrapment. Nakuha din ng authorities doon sa babae ang cellphone ng biktima. Inamin naman ni Joselito ang krimen, ang pagkuha sa pera at cellphone. Inamin nya na binigay nya kay Karen ang cellphone ilang araw ang dumaan. Sinabi nya rin sa police na nagastos nya na ang pera. Ang babae ay may pangalang Karen at kinulong din pagkatapos ng paghuli kay Joselito Zapanta. Nakatutok naman dito ay si Mr. Ibrahim Zailon ng Assistance to National Section – Female cases ng ating embahada. Zapanta…“Napakalaki ng kasalanang nagawa ko. Humingi ako ng tawad sa Allah at gusto kung humingi ng kapatawaran sa harap ng pamilya ng aking napatay; dahil parang wala ring silbi kung makalaya man ako pero hindi naman nila ako napatawad. Handa kong tanggapin ang kamatayan pero umaasa ako na pagbigyan ng pangalawang pagkakataon para maiayos ang aking buhay at makakagawa ng mabuti para sa kapwa” via patnubay heart
Posted on: Tue, 05 Nov 2013 05:50:57 +0000

Trending Topics



>Maxwell is in tears...Im evidently no longer his mother and Im a
My children have formed some sort of organized crime organization.
News from The College of the Transfiguration in Grahamstown 2014

Recently Viewed Topics




© 2015