Jun 26, 2013 7:12pm HKT MAS magiging magaan diumano ang pagpasok - TopicsExpress



          

Jun 26, 2013 7:12pm HKT MAS magiging magaan diumano ang pagpasok ng 16th Congress ayon kay House Speaker Sonny Belmonte Jr. Ito ay dahil naipasa na ang mga kontrobersyal at mabibigat na batas nitong 15th Congress katulad ng Reproductive Health Law, Sin Tax Law, K-12, at Amendments ng Anti Money Laundering Act. Bukod pa aniya rito ang mahirap na parte ng 15th Congress nang maisulong hanggang sa Senado ang impeachment complaint laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Bagamat naipasa na ang mga malalaking batas ay may mga panukala din silang kailangan paghandaan tulad ng pagbuhay sa FOI Bill at Divorce Bill. Kampante din si Belmonte sa pagkakasundo at “good-working relationship” ng mayorya at minorya. Tiniyak pa ng house leadership ang maayos na pagtatatrabaho sa Kongreso at pagbibigay serbisyo sa mga constituents. Kasabay nito ay hinimok ni Belmonte ang mga bagong kongresista na maging aktibo sa talakayan.
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 21:49:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015