KABIHASNAN - Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan o - TopicsExpress



          

KABIHASNAN - Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan o sibilisasyon ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.[1] Nagmula ang salitang sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ng transportasyon, pagsusulat, pamantayan ng pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas, magiting na estilo ng sining, mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong metalurhiya, at astronomiya MGA SINAUNANG KABIHASNAN Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano, ng mga Kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-Kolumbyano (kasama ang sa mga Olmek, mga Maya, mga Sapoteka, mga Inka, mga Toltek, at mga Asteka). Sa makabagong panahon, tinatawag na sinaunang mga sibilisasyon ng mga tao ang mga kabihasnang ito dahil iniisip nila ang mga daang taon bago dumating ang 500 AD. Ngunit kasama talaga sa sinaunang mga panahon ang karamihan sa kasaysayan ng tao. Tumanda o naging sinauna ang kabihasnan kahit na sa loob ng panahon ng itinuturing ngayon ng makabagong mga tao bilang sinaunang mga kapanahunan. KABIHASNANG INDUS Ang lambak-ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilaga - ang kabundukan ng Himalayas at ang hindu kush. May ilang daanan na nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan at mananakop sa kanlurang asya ito ang Khyber Pass. ang Indus at ganges ay taunang umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan. Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus Noong 3500 B.C.E tinatayang lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan ( nasa Pakistan ngayon ) nasa bandang kanluran ng Ilog Indus. Mergash - batay sa mga nahukay na labi, agrikultural at sedementaryo ang pamumuhay ng mga tao rito. 'KABIHASNANG SUMER' Ang Sumerya o Sumer (mula sa wikang Akkadian Šumeru; Sumerian 𒆠𒂗𒂠 ki-en-ĝir15, tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain"[note 1])[1] ay isang sinaunang kabihasnan at historikal na rehiyon sa Mesopotamia sa modernong Iraq noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso. Bagaman ang mga pinakamaagang historikal rekord sa rehiyong ito ay hindi mas maaga sa ca. 2900 BCE, ang mga modernong historyan ay nagsasaad na ang Sumerya ay unang tinirhan ng mga taong hindi-Semitiko na maaring nagsalita ng wikang Sumeryo sa pagitan ng ca. 4500 BCE at 4000 BCE dahil sa mga ebidensiya ng mga pangalan ng siyudad, mga ilog at iba pa.[2] Ang mga pinagpapalagay na prehistorikong mga taong ito ay tinatawag ngayon ng mga skolar na mga "proto-Euphratean" o mga "Ubaidian",[3] na pinaniniwalaang nagebolb mula sa kulturang Samarra ng Hilagaang Mesopotomia(Assyria).[4][5][6][7] Ang mga Ubaidian ang mga unang nagpaunlad ng kabihasnan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irigasyon, pagpapaunlad ng kalakalan, pagtatatag ng mga industriya kabilang ang paghahabi, pagkakatad, pagmemetal, masonriya at pagpapalayok.[3] Ang kabihasnang Sumeryo ay nagkaanyo sa panahong Uruk(ika-4 milenyo BCE) na nagpatuloy hanggang sa Jemdat Nasr at mga panahong Maagang Dinastiko. 'KABIHASNANG SHANG' Kabihasnang Shang Sinasabing mula sa Lungshan nalinang ang Shang Dynasty(1523 BC- 1028 BC), ang unang kaharian ng China na nagtataglay ng nasusulat na kasaysayan.Itinuturing na alamat din ang Shang Dynasty subalit noong 1920, nakakuha ang mga arkeolohista ng mga materyal na katibayan na nagpatunay sa dinastiyang ito. Isa sa mga kapitolyo Shang Dynasty ang Anyang. Ang pinakasentro ng kaharian ay nasa lambak ng Hwang Ho River.
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 10:56:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015