KAKAMPI MO ANG BATAS.SYNDICATED, FILIPINO. 02 SEPTEMBER - TopicsExpress



          

KAKAMPI MO ANG BATAS.SYNDICATED, FILIPINO. 02 SEPTEMBER 2013 OFWs: “RP pilayin kahit isang araw lang” INSPIRASYON SA BUHAY: “… Tumatanggap ng suhol ang mga tiwali upang yurakan ang daan ng katarungan…” (Kawikaan 17:23, Bibliya). -ooo- “MILLION MARCH TO LUNETA” INSPIRASYON LABAN SA KORAPSIYON: Ang matagumpay na “Million March to Luneta” noong Agosto 26, 2013 ay isa ng inspirasyon sa ngayon para sa maraming iba pa upang kumilos laban sa katiwalian at korapsiyon, lalo na laban sa pork barrel. Sa di-mabilang na mga posts sa Facebook, maraming mga grupo na ang nananawagan upang huwag magbayad ng buwis ang sambayanan hanggang di naaalis ang pork barrel ng mga mambabatas. Sa hanay ng mga overseas Filipino workers (OFWs), nananawagan din sila, sa pamamagitan ng Internet, ng isang araw na suspensiyon ng kanilang remittances o pagpapadala ng dolyares sa Pilipinas sa Septyembre 19, 2013, samantalang ang Philippine Council for Evangelical Churches (PCEC), ang pambansang samahan ng mga Born Again Christians sa Pilipinas, ay humihingi din ng agarang pagpapaalis ng pork barrel. Naririto po ang isang Facebook post ng isang grupong kilala bilang “OFW Family”: “Dahil sa ating mga OFWs, mga remittances natin ang siyang nagpapasigla ng bansa, kaya ang GDP (gross domestic product) ng Pilipinas ay tumaas; 20% ng GDP ay galing yan sa OFWs, sa mga remittances natin... kapal ng mga mukha nila!!! -ooo- “PILAYIN ANG RP KAHIT ISANG ARAW LANG”: “Panawagan sa lahat ng mga OFWs. Tandaan po sana natin ang araw na ito, September 19. Sabi ng ilan, tayong mga OFWs daw ay hindi naman kasama sa issue ng pork barrel, dahil daw ala tayong mga tax (sabi daw nila). Sa September 19 (2013), iparamdam natin sa Pilipinas ang halaga ng `OFWs’. “ `September 19, Zero Remittances Day for Zero Pork’. Isang araw na walang padala ang OFWs, isang araw na pilay ang bansa…Hindi po pilitan eto, yun lamang naman kung kontra kayo sa pork barrel! Tayong mga OFWs naman ang magparamdam. Isang araw lang po. Puwede naman tayong padala ng September 18 o September 20…” Para naman sa PCEC, naglabas ito ng isang mahabang liham para kay Panqulong Aquino sa Facebook, sa “Pinoy Pastors Theological Forum”, kung saan ipinahayag nito ang kanyang galit sa pork barrel issue. Basahin po natin: “ISANG APELA PARA ALISIN NA ANG PORK BARREL. Hinihingi namin sa ating Pangulo na pangunahan ang pagpapa-alis ng lump sum appropriation ng higit sa P25 bilyon para sa PDAF (o pork barrel) sa ating pambansang gastusin. -ooo- PNOY, DAPAT ALISIN DIN ANG KANYANG PORK: “Umaapela din kami sa ating mga senador at mga kongresista na tutukan ang kanilang tunay na gawain---ang paggawa ng batas. Kaya naman, umaapela kami sa Pangulo na alisin na ang P200 milyong taunang pork barrel para sa mga senador; umaapela kami sa Pangulo na alisin na ang P70 milyon pork barrel para sa mga kongresista, na tunay namang naabuso na… “At umaapela kami sa Pangulo na alisin na din ang kanyang `special purpose funds’ (SPF) na nagkakahalaga ng halos P450 bilyon… ISANG APELA PARA PANGUNAHAN ANG PAG-AALIS NG PADRINONG POLITIKA. Umaapela kami sa ating Pangulo na pangunahan ang pagpapaalis ng isang di-makatwirang sistema ng padrinong politika. Aming sinasabi, `Tama na ang iilang pamilya lamang ang sumusukol at kumukontrol di lamang ng politika kundi ng kaluluwa ng mga bayan, lunsod at mga lalawigan at ng buong bansa!’ “ISANG APELA PARA SA PAGPASA NG FREEDOM OF INFORMATION BILL. Panghuli, hinihiling namin sa ating mahal na Pangulo na pangunahan ang pagsasabatas ng Freedom of Information Bill, at sertipikahan ito bilang isang mahalagang batas na dapat ng maipasa… Naniniwala kami na ang batas na ito ay mahalaga sa paglaban sa korapsiyon…” -ooo- REAKSIYON? Tawag po sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0922 833 43 96. Email: batasmauricio@yahoo, mmauriciojr111@gmail.
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 23:44:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015