KAKAMPI MO ANG BATAS.SYNDICATED, FILIPINO. 29 JUNE 2013 Pruweba - TopicsExpress



          

KAKAMPI MO ANG BATAS.SYNDICATED, FILIPINO. 29 JUNE 2013 Pruweba ng PCOS tampering, padding INSPIRASYON SA BUHAY: “…`at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo’…” (ang Panginoong Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligatas, sa Juan 8:32, Bibliya). -ooo- PRUWEBA NG PCOS TAMPERING AT MANIPULASYON: Kung naghahanap ng pruweba ang Commission on Elections na namanipula nga ang resulta ng halalan noong Mayo 2013 sa pamamagitan ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines, kailangang kilusin na nito agad ang kasong isinampa doon ng isang grupo ng mga residente ng Pasay City na nagpapakita na ang mga boto sa humigit-kumulang 300 presinto sa lungsod ay namanipula o na-tamper at maliwanag na dinagdagan. Paumanhin po sa mga mambabasa natin kung ginagamit kong patunay ang kasong ito sapagkat ako ang abogado ng mga residente ng Pasay City na nagsampa ng kaso sa Comelec, pero hindi ko po ito maiiwasan, bilang reaksiyon sa pagtutol na inilabas sa media ni Chairman Sixto Brillantes Jr. at ng Malacanang sa pagkakaroon ng mano-manong bilangan ng mga boto para sa nakaraang 2013 elections, gaya ng hiling ng ilang civil society groups, dahil daw walang pruweba ng manipulasyon. Mawalang-galang na po kay Brillantes at sa Malacanang, kitang-kita po ang manipulasyon at pre-programming mula mismo sa mga statement of votes na inilabas ng PCOS machines na ginamit sa Pasay City, ayon doon sa petisyong isinampa ng mga residente sa Comelec noong Martes, Junio 25, 2013. Sa totoo lang, sa petisyong iyon, kinilala ng mga nagrereklamong residente ang 300 presinto na kinakitaan ng manipulasyon at pre-programming. -ooo- MGA RESIDENTE NG PASAY CITY, KINONTRA ANG PCOS RESULTS: Naririto po ang ilang bahagi ng petisyon sa Comelec na humihiling din ng manual count of votes kahit na para lang sa Pasay City: “Sa ilalim ng batas, karapatan ng mga Petitioners, bilang mga residente at rehistradong botante ng Pasay City, kung sino sa apat na kandidatong mayor sa lungsod---Wenceslao Trinidad, Antonio G. Calixto, Jorge Del Rosario at Romulo Marcelo---ang tunay na nanalo noong halalan noong Mayo 13, 2013… “Batay sa kanilang personal na nasaksihan, naranasan at nalaman noong araw ng halalan, maliwanag sa mga Petitioners na bagamat na-proklama si Antonio G. Calixto bilang halal na alkalde ng Pasay City, ang nasabing proklamasyon ay walang bisa, sapagkat nagkaroon ng failure of elections (o kabiguan ng halalan) sa lungsod… “Bakit sinasabi ng mga Petitioners na may failure of elections sa Pasay City? Ang unang dahilan ay ito: ang mga resultang pinagbatayan ng proklamasyon ni Calixto bilang mayor-elect ay statistically at mathematically improbable, o di katanggap-tanggap sa anumang uri ng pagbibilang, at lumilitaw na produkto lamang ng malawakang pandaraya gamit ang electronic at automated computers na labag sa mga ipinag-uutos ng Republic Act 8792, o ang Electronic Commerce Act of 2000… -ooo- DI NAGKAKATUGMANG ELECTRONIC POLL DATA O RESULTA: Idinagdag pa ng petisyon na “sa pagsisiyasat sa mga official statement of votes na nakuha mula sa 300 presinto sa lungsod, makikitang ang electronic data o ang resultang inilabas ng mga nasabing statement of votes na nanggaling mismo sa mga PCOS machines sa mga presintong yaon ay di nagkakatugma sa isa’t isa… “Naririto ang paliwanag: Sa Clustered Precincts 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 27, 28, 46, 47, 48 at 49 ng District 1 ng Pasay City, ang kabuuang bilang ng mga balotang diumano ay binilang ng PCOS machines… ay umabot lamang sa 7,547, pero ang kabuuang bilang ng lahat ng pinagsama-samang boto ng apat na kandidato sa pagka-alkalde ay umabot sa 9,045 na boto… Maliwanag, mayroong di maipaliwanag na panlilinlang at di-pagkakatugma ng resulta… na nagpapakita ng sobrang 1,858 na boto na binilang diumano ng PCOS machines para sa mga kandidato… “Ang ganito karaming di-pagkakatugma at hindi mapatunayang mga electronic data o resulta ng bilangan ay nakita din sa Clustered Precincts 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39, 40, 41, 50, 51, 52, 53, 54, 55, at 56, (at doon sa Clustered Precincts 142, 143, 144, 145, 146, 147, 148, 149, at 150)…” Ngayon, maipapaliwanag ba kung papaanong di nagtugma ang mga resulta, maliban na lamang sa ang mga ito ay minanipula at dinagdagan? Eto ang pruwebang kailangan ng Comelec para sa manual count. May dagdag po ito. -ooo- REAKSIYON? Tawag po sa 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0922 833 43 96. Email: batasmauricio@yahoo, mmauriciojr111@gmail.
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 22:04:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015