KANANG KAMAY NI NUR PATAY SA ZAMBO- WALANG CEASEFIRE -- GAZMIN - TopicsExpress



          

KANANG KAMAY NI NUR PATAY SA ZAMBO- WALANG CEASEFIRE -- GAZMIN Septyembre 15, 2013 Abante News Nilinaw kahapon ni Department of National Defense (DND) Sec. Voltaire Gazmin na walang nangyaring ceasefire sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at mga sundalo sa lungsod ng Zamboanga, taliwas sa naunang pahayag ni Vice President Jejomar Binay. Ayon kay Gazmin magiging epektibo lamang umano ang ceasefire sakaling sumunod din ang mga MNLF rebels sa pagtigil sa pagpapaputok. Hindi umano maaaring ang pamahalaan lamang ang hindi magpaputok gayong binabaril naman ng mga rebelde ang mga sundalo. “Right now there is still fighting going on, so there is no ceasefire. That means the other side is not keeping its end of the bargain,” ang pahayag ni Gazmin. Sinabi pa ni Gazmin na kanya na umanong kinausap ang Bise Presidente, “I told [Vice President] Binay all of us want peace. He said he can talk to Misuari. I said government troops will stop firing only if the MNLF stops firing.” Mula sa Malacañang, sinabi ni Peace Adviser Ging Deles na hindi dumaan sa kanyang tanggapan ang sinasabing negosasyon sa pagitan nina Binay at Misuari. PCG, Navy vessels pinaalis Pinatanggal na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ang mga barkong nakahimpil sa Zamboanga port dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at MNLF. Nabatid sa report na nakarating sa PCG, malapit umano sa gilid ng dagat ang labanan kaya pinapunta umano pansamantala sa gitna ng dagat ang mga barko dahil ilang barko na nakadaong ang tinamaan na ng ligaw na bala. Walang iwanan – PNoy Samantala, nagpasya si Pangulong Benigno Aquino III na manatili sa Zamboanga City habang patuloy ang nagaganap na krisis. Ito ang sinabi ng Pangulo matapos nitong bisitahin kahapon ng alas-10:00 ng umaga ang mga residente ng Zamboanga City na ngayon ay nailikas na sa Zamboanga Sports Complex matapos iabandona ang kanilang mga tahanan sa pangambang maipit sa labanan sa pagitan ng tropa ng militar at sumalakay na pwersa ng MNLF. Tiniyak umano ni PNoy na may sapat na pagkain para sa dalawang linggong pangangailangan ang mga refugees. Sa kanyang talumpati, nangako si Pangulong Aquino na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga taga-Zamboanga at sapat ang kanilang supply ng relief goods at iba pang pangangailangan. Puspusan umano ang ginagawa ng gobyerno para maresolba sa mapayapang paraan ang krisis. “Hindi sila magtatagumpay. Tatapusin natin ito sa lalong madaling panahon,” ayon kay PNoy. “Malalampasan ang krisis sa Zamboanga City sa lalong madaling panahon,” dagdag pa ng Pangulo. Binay sumunod kay PNoy sa Zambo Dakong ala-una naman ng hapon nang lumipad din pa-Zamboanga si Binay sakay ng isang chartered plane. Agad itong dumiretso kay Pangulong Aquino na pansamantalang nanunuluyan sa headquarters ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP). 53 patay, 10 Red Cross personnel sugatan Sa pinakahuling ulat, umakyat na sa 53-katao ang kabuuang bilang ng nasawi sa Zamboanga City crisis na pumasok na sa ika-6 na araw. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office (PIO) chief Lt. Col. Ramon Zagala, “We have suffered casualties due to the ongoing operations. But rest assured we will press the fight to protect civilians.” Anim na pulis at sundalo, 43 MNLF members at apat na sibilyan ang kabuuang nasawi habang 46 sa government troops ang sugatan at 20 naman sa panig ng sibilyan. Labing-siyam na MNLF rebels ang sumurender at nadakip o hawak na ng mga awtoridad sa gitna ng labanan. Isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin matiyak kung ilan pa sa ngayon ang mga sibilyan na patuloy na ginagawang human shield ng MNLF. Mula sa Philippine Red Cross (PRC), kinumpirma nito na 10 miyembro nila ang ‘slightly injured’ sa nangyaring grenade launcher explosion kamakalawa. Sa kabila nito, tiniyak ni PRC Secretary General Gwendolin Pang na magpapatuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo sa mga biktima ng karahasan sa lungsod. Ang naturang PRC team ay nagtungo sa Zamboanga para sunduin ang mga sugatan sa labanan at kaliwa’t kanang pagsabog nang mahagip din ng explosives. Mayor sa barangay officials: Help! Kaugnay nito, nanawagan kahapon si Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar sa bawat kapitan ng mga barangay sa kanyang nasasakupan na ipaglaban ng mga ito ang kanilang lugar at ipagtanggol ang mga kabarangay laban sa MNLF raiders. “To all barangay officials, help defend your communities and coordinate with police, military. Set-up early warning system and report sightings,” pahayag ni Salazar. Sinabi pa nito na sa lalong madaling panahon o ngayong araw ng linggo mismo ay nais na nitong malutas at matapos ang standoff sa Zamboanga. “We do not want them to get out scot-free. We do not want them to leave with a free pass,” anang lady mayor. OFW FANATIC
Posted on: Sun, 15 Sep 2013 14:09:02 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015