KRUSADA Bilang alagad ng sining karapatan ko ang magsulat ng - TopicsExpress



          

KRUSADA Bilang alagad ng sining karapatan ko ang magsulat ng ibat-ibang lathalain para sa sarili ko at para sa mga taong sumusubaybay at naniniwala sa kakayahan ko. Ginagamit ko ang KALAYAAN NG PAMAMAHAYAG (Freedom of Expression) ng may responsibilidad. Kung baga, alam ko din ang aking limitasyon. Kung nasubaybayan nyo ang aking mga POSTS..andun ang isang DISCLAIMER. Pero sa nangyayari ngayon, babasagin ko ang aking pananahimik. Hindi ko na sana papatulan pa dahil unang-una walang kinalaman ito sa trabaho natin. Pero lumalaki na ang APOY na inyong sinimulan. Siguro panahon na para marinig naman ng bayan ang aking(aming) panig. Una, hindi tayo magkalevel at hindi ka worth ng aking isang segundo kada araw. Ayaw ko sayangin ang isang segundo sa mga taong katulad nyo. I don’t deserve you. Kung nasasaktan ka sa mga sinusulat ko bakit mo binabasa? E di wag mong basahin. Simple di ba? Pero nagpapasalamat ako kasi kahit di ko kayo pansin binabasa nyo mga POSTS ko. At habang nagagalit kayo sa akin at sa mga sinusulat ko, isa lang ang ibig sabihin. Sa dinami dami ng tao sa mundo at sa dinami dami ng pwede nyong gawin ako ang pinagtuunan nyo ng pansin. SALAMAT SA ATENSYON. Wala ako galit sa inyo. Bagkus, awa ang nararamdam ko para sa inyo kasi di kayo makatulog ng mahimbing dahil sa multong ginawa nyo na ngayon ay kayo rin ang natatakot. Masyadong maliit ang mundo at madali lang ang buhay. Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito sasayangin nyo pa ba ang panahon sa paninira sa akin at sa aking mga kaibigan? ENJOY Life. Move on. Sa ngayon, di nyo ako mapipigil sa pag POST hindi para sa akin kung hindi para sa mga taong kalalagay ko pa lang ay LIKE na agad. Para sa mga taong araw-araw ay nag-aabang kung ano ang magiging laman ng aking WALL. Hanggang may naniniwala sa akin ay magpapatuloy ako. Hanggat may isang naniniwala ay magiging alagad ako ng sining. At yan ang aking KRUSADA………….
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 09:39:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015