KUNG BAKIT "UNCONSTITUTIONAL" ANG PDAF, BASAHIN PO ITO WALANG - TopicsExpress



          

KUNG BAKIT "UNCONSTITUTIONAL" ANG PDAF, BASAHIN PO ITO WALANG PERANG BAYANG GASTAHIN KUNG WALANG BATAS NA NAG-UUTOS! PAG DI PWEDENG GAWING DIREKTA, DI RIN PWEDENG GAWIN DI DIREKTA Tagalogin ko na para maintindihan ng mga Senador at Kongresman natin. Ito ay pakiwari ko na mas matalino ako ng di hamak kaysa sinuman sa kanila. Ang una, “Walang perang bayang gastahin kung walang batas na nag-uutos,” ay hango sa Section 29, Paragraph 1, ng Article VI ng Konstitusyon. Ang pangalawa, “Pag di pwedeng gawing direkta, di rin pwedeng gawing di direkta,” ay hango sa kaisipang pinagtibay ng panahon na mas masarap pakinggan sa Ingles na nagsasabi, “What cannot be done directly cannot be done indirectly.” Di kumpleto ang mga prisipyong ito kung di alam ang isa pang napakadakilang aral ng karanasan na nagsasabi: “DAPAT HATIIN SA TATLO ANG KAPANGYARIHAN SA PAMAHALAAN PARA UMIRAL ANG PAGSISITA NG ISA’T-ISA (check and balance) AT MAPANATILI ANG KAAYUSAN SA PAMAHALAAN.” Ang tatlong kapangyarihang pampamahalaan ay: (1) kapangyarihan sa paggawa ng batas; (2) kapangyarihan sa pagpapatupad ng batas; at (3) kapangyarihan sa pagsasabi kung ano ang dapat na kahulugan ng mga batas, kung papaano ang paggamit ng batas sa mga usapin, at kung nalabag ba ang batas. Para maisakatuparan ang mithing mabuting pamahalaan, iginagawad ang tatlong kapangyarihan sa magkaibang tatlong lupon at ang bawat isa ay hindi pwedeng manghimasok sa isa’t-isa at mang-agaw ng kahit na katiting na kapangyarihan na nauukol sa iba. Kung sa Ingles, “Vesting separate powers for each of the three great departments of the powers of governance, where no one is allowed to grab or interfere with the powers pertaining to the two others.” Nakasunod ito sa tinatawag na “the Principle of Separation of Powers.” Ibig sabihin, ang teritoryo ng mambabatas ay ang paggagawa ng batas at hindi ito maaaring dumikta sa tagapatupad ng batas na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa o tagapamagitan na pinamumunuan ng Supreme Court Chief Justice kung may isyu o usapin sa batas na ginawa. Hindi rin pwedeng diktahan ang mga mambabatas kung anong batas ang kanilang gawin, at ang tanging boss lamang nila ay mga taong naghalal sa kanila dahil kung ayaw na ng tao sa kanila ay papalitan sila sa susunod na eleksyon o halalan. Kung magiging istrikto, ang teritoryo lamang ng mga mambabatas, mga senador at mga representante ng mga tao sa kada distrito o partylist, ay ang paggagawa lamang ng batas. Matapos nilang gumawa ng batas kung papaano gagastusin ang pera ng bayan, hindi dapat pwedeng makialam ang mga mambabatas kung papaano ipapatupad ang paggagasta ng pera ng pamahalan dahil trabaho na ito ng tagapatupad na kung tawagin ay Ehikutibo o Executive kung sa Ingles. Kaya, kung tutuusin, bawal na mabigyan ng kapangyarihan ang mga mambabatas na magkaroon ng ekslusibong salita kung saan gagastusin ang Pork Barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF). Ang pagkakaroon nila ng kapangyarihan na magsabi kung saan gastusin ang PDAF o Pork Barrel ay paghihimasok sa trabaho at kapangyarihan ng tagapatupad ng batas. READ MORE AT THIS SITE: totocausing.blogspot/2013/08/tama-lokohan-stop-pdaf.html
Posted on: Tue, 24 Sep 2013 16:06:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015