KUNG KAYA MO AKONG LIMUTIN by: djhaime poe maniri August 15, 2013 - TopicsExpress



          

KUNG KAYA MO AKONG LIMUTIN by: djhaime poe maniri August 15, 2013 at 4:06pm Kung Kaya Mo Akong Limutin Original story and written by djhaime poe maniri DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. *Just a friendly reminder guys. Please do not copy, use, post and reproduce the story in any manner without my permission, as my rights by being the author of this story will remain and respected. Ang Sand Castle Resort ay kilala bilang isa sa mga napakaganda’t napakalawak na resort sa Aklan. Pinamamahalaan ito ng isang napakayamang Swedish na si George Neilsby na nakapangasawa ng isang Filipina’t nagkaroon sila ng isang lalaking anak. Si Michael Emanuel Neilsby ay kilalang-kilala sa mala-anghel niyang kagwapuhan sa buong isla at nag-iisang tagapagpamana ng pamilya ngunit isang napakasakit na trahedya ang kanyang naranasan nang malaman niyang may Stage 4 Non-Hodgkin’s Lymphoma siya’t 3 buwan nalang ang taning ng doctor sa kanyang buhay. Palubog na ang araw at matatapos na ni Angelo ang kanyang ginagawang sand castle nang abutan siya ni Michael sa seashore ng resort. Nakaputi’t suot-sout niya ang mga ginawang seashell necklace at bracelet ni Angelo. Tumayo ang binata sa kanyang kinauupuan at linapitan si Michael. Yinakap ng mahigpit ni Angelo si Michael ng punong-puno ng pagmamahal. “Michael mangako kang huwag na huwag mo akong iiwan. Please Michael? Please???” “Angelo lahat ng tao dito sa mundo’y hahantong din sa ganitong sitwasyon. Lahat ng tao babawian ng buhay. Angelo nangangako akong hinding-hindi kita iiwan. Ang simoy ng hangin nalalanghap, nararamdaman ngunit hindi mo ito nakikita. Angelo sa paglalakbay ko sa kabilang buhay ay hinding-hindi kita iiwan dahil nandyan parin ako sa iyong tabi at hihintayin kita.” Biglang nahilo si Michael at natumba sa mga bisig ni Angelo. “Michael anong nangyayari sa iyo??? Michael!” Pag-aalala ni Angelo. “Angelo okay lang ako huwag kang mag-alala.” Nahiga sa mga bisig ni Angelo si Michael at nadama niya ang buong kalinga nito sa kanya. “Angelo napakaganda ng sand castle na iyong ginawa.” “Oo aking prinsipe. Alam mo Michael nangangarap akong maitira kita sa aking pinapangarap na palasyo’t mamumuhay tayo dito ng maligaya habang buhay.” “Ang kagandahan ng kastilyong buhangin ay agad ding maglalaho dahil hindi natin alam na baka mamaya’y tatangayin na ito ng malakas na agos ng dagat.” “Michael ayokong mangyari ito sa iyo, ayokong basta-basta na lang maglaho ang ating mga pangarap. Michael ayokong makita kang parang unti-unting tinatangay ng agos ng dagat dahil ayokong masilayan kang wala nang buhay. Hindi ko kakayanin Michael hindi ko kakayanin.” Iyak ni Angelo habang yakap-yakap si Michael. At biglang dumating ang isang napakalakas na alon at tinangay na nito ang napakagandang sand castle na ginawa ni Angelo para kay Michael. “Angelo kunin mo itong mga suot-suot kong ginawa mo at gusto kong isuot mong mga ito. Angelo natatakot ako, natatakot akong mawalay sa iyo at kahit subukan ko mang lumaban ngunit hindi ko na kaya Angelo hindi ko na kaya.” Iyak ni Michael habang yakap-yakap siya ni Angelo. “Michael tatanggapin ko na mawawala ka na sa akin, na tuluyan na kitang hindi na makakapiling ngunit mangako kang hindi maglalaho ang pagmamahal mo kasabay mo.” “Angelo pangako hinding-hindi maglalaho ang pagmamahal ko sa iyo, hinding-hindi Angelo hinding-hindi.” Isang napakagandang dinner ang hinanda para kay Michael ng kanyang mga magulang. Nang matapos na ang dinner hinatid na ni Mike at ng kanyang Mama si Michael sa kanyang kwarto upang makapagpahinga na ang binata. “Michael inumin mo itong gamot mo at bukas darating ang iyong doctor.” “Sige Mama.” “Oh maiwan ko muna kayo ni Angelo dito. Good night anak.” “Good night din Ma.” Lumabas na ng kwarto ang Mama ni Michael at silang dalawa na lang ang naiwan sa loob. “Michael mangako kang hihintayin mo ako hanggang bukas?” “Angelo ano ka ba huwag kang mag-alala malakas pa ako.” “Michael gusto kong parati na nandito sa tabi mo at gusto kong makasama ka hanggang sa huling sandali ng iyong buhay. Mangako ka Michael na hihintayin mo ako. Hihintayin mo ako.” “Angelo naman. Oo hihintayin kita. Alam kong may sakit ang iyong inay kaya kailangan mo rin siyang alagaan.” “Michael tandaan mong mahal na mahal kita at kailan ma’y hinding-hindi kita ipagpapalit.” “Angelo hinding-hindi ko hinahadlangan ang iyong kaligayahan. Hinding-hindi ko ipagkakait na magmahal kang muli.” “Michael ikaw lang ang kaligayahan ko ikaw lang.” “Angelo sige bukas muli. Puntahan mo na ang iyong inay at sabihin mo sa kanyang magpagaling siya Angelo.” “Oo Michael makakarating sa kanya. Paalam Michael at tandaan mong mahal na mahal kita.” “Mahal mahal din kita Angelo.” Bago linisan ni Angelo ang kwarto ni Michael ay pinuno muna nila ang isa’t isa ng mga maiinit na halik. Umuwi na si Angelo upang alagaan ang ina niyang may sakit. Pagdating niya sa kanilang maliit na tahanan ay isang surpresa ang ibinalita sa kanya ng kanyang ina dahil isa siya sa mga napili ng kanilang Unibersidad upang makakapag-aral sa Amerika. “Anak bukas darating dito ang inyong principal. Dumating sila kanina dito ngunit wala ka anak. Angelo isa itong napakagandang oportunidad sa iyong buhay. Anak kapag nakapag-aral ka sa Amerika ay giginhawa na ang ating buhay at hindi na tayo mangingisda pa. Anak mahina na ang iyong itay kaya pagbubutihin mo anak ha?” “Ma hindi ko kayang iwan si Michael.” “Anak intindihin mo naman kami. Anak para sa ikabubuti mo naman ito.” “Ma si Michael ang buhay ko’t hindi ko siya kayang iwanang nagdurusa. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi niyo parin tanggap ang relasyon naming dalawa.” “Anak alam kong babawian din ng buhay si Michael. Anak maski si Michael ay papayagan kang makapag-aral sa Amerika dahil alam niyang makakabuti ito para sayo.” “Ma huwag mong sasabihin ‘yan dahil hindi ko kakayanin kapag mawawala si Michael sa aking buhay.” Maagang dumating ang College Principal ng kanilang paaralan upang kausapin si Angelo para sa kanyang scholarship. Kung tatanggapin niya ang scholarship ay bukas na bukas din ay sasabay na siya sa processing ng 4 na napili sa kanilang paaralan upang makapag-aral sa University of California in Los Angeles. “Sir salamat po ngunit hindi ko po ito matatanggap.” Iniwan ni Angelo ang letter sa mesa at agad siyang umalis papunta kina Michael. Disperas na ng pasko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nahirapan siyang sumakay ng bangka. Papalubog na ang araw nang tumigil na ang hagupit ng panahon. Habang naglalakad sa kalsada papuntang resort si Angelo ay marami siyang napansin na mga nagdadagsaang bisitang nakaputi’t itim ng pamilya Neilsby. Bumilis ang pintig ng kanyang puso at bawat kabog nito’y nag-alala siya sa kanyang pinakamamahal na kasintahan. Nang buksan ang malaking gate ng resort ay nakita ni Angelo ang mga ipinapasok na korona ng patay, mga iba’t ibang klaseng bulaklak at sa may tapat ng pintuan ay kanyang nasilayan ang isang puting kabaong na punong-puno ng pulang rosas. Muli ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at hindi na napigilan ng binata ang sumigaw sa pagdadalumhati dahil pumanaw na ang pinakamamahal niyang lalaki sa kanyang buhay. “Michael! MICHAEL!!!!!!!!!!!!!!” Iyak ni Angelo at bigla siyang napaluhod sa harapan ng gate habang sinasara ito. “Nangako kang hihintayin mo ako ngunit bakit? Bakit humantong sa ganito????? Ni hindi man lang kita nahakgan, ni hindi man kita nahalikan at hindi man lang kita nayakap ng mahigpit at nasabing ikaw lang ang mamahalin ko Michael sa mga huling sandali ng iyong buhay. MICHAEL!!!!!!!!!” Lubos-lubos ang pagdadalumhati ni Angelo. Napaluhod ang binata sa kalsadang yakap-yakap ang sariling bisig at lumuha ng lubos sabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at hagupit ng panahon. Tumayo si Angelo at muli niyang susubukang silayan si Michael sa loob ng resort ngunit hindi niya makaya-kaya. Umabot lang siya sa may gate at unti-unti itong bumagsak habang nakaluhod sa tapat ng gate. Basang-basa ang kawawang binata. Hindi na siya tumuloy at agad na siyang nagtungo ng tabing dagat. Sumakay siya ng bangka’t binalak nang magtungo na sa kanilang tahanan kahit malakas pa ang hagupit ng panahon. Nagdilim ang isip ng binata habang nasa gitna siya ng laot at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa lubhang pagdadalumhati. “Michael hindi ko kayang mawala ka kaya sasama na ako sa iyo dahil mahal na mahal kita.” Nataob ng malakas na alon ang bangka na sinasakyan ni Angelo kaya nasama na siya sa malakas na alon ng dagat. Kinaumagahan habang naglilinis ng bakuran si Aling Erwina ay biglang dumating ang kanilang kapitbahay at ibinalitang natagpuan nila ang kanyang anak sa may pampang. Agad na sumama si Aling Erwina sa mga tao at nadatnan niya ang walang malay niyang anak na sinagip ng mga mangingisdang taga ibang isla. Binigyan parin ng isang pagkakataon ng Diyos si Angelo upang mabuhay at ipagpatuloy ang buhay na kanyang sisimulan muli. AFTER 9 YEARS Nakapagtapos si Michael Angelo Ignacio sa University of California in Los Angeles ng kursong Management at agad siyang tinanggap ng isang napakalaking kompanya sa Makati bilang senior vice president ng kompanya. Agad niyang naiahon sa hirap ang kanyang pamilya at kasalukuyang nasa Green Hills ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Kumuha siya ng isang malawak na condo-unit sa Makati upang mas malapit siya sa kanyang opisina. Naging mataas agad ang posisyon ni Angelo sa kompanya dahil pagmamay-ari ito ng Papa ng kanyang pitong taong kasintahan na si Angelica Valenzo de Araneta. Nakilala ni Angelo si Angelica sa L.A. dahil magkaklase sila dati sa isang subject noong silang dalawa’y nag-aaral pa sa UCLA. Katatapos ng trabaho ni Angelo nang datnan niya si Angelica sa kanyang condo-unit at na naghahanda ng dinner para sa kanilang dalawa. “Angelo my angel halika na at mag-dinner na tayo. At mukhang napagod ka sa trabaho mo kanina?” “Oo nga honey. Gusto mo pag-usapan natin ngayon ang Engagement Party natin sa susunod na buwan?” “Oh sige Angelo at gusto ko maging engrande ang Engagement Party natin.” “Oo naman Angelica at sinisigurado ko ‘yan.” Lunes ng umaga nag-coffee sila Angelo at ang Director ng kompanya upang pag-usapan ang pag-iinvest ng isang Asian Cruise company. “Angelo matagal ka nang kilala ng may-ari ng kompanyang ito at gusto ka niyang maka-lunch mamaya diyan sa restaurant na tapat ng building natin mamayang 12:30 and I hope na pupuntahan mo siya.” “Okay Director. Nakapag-promise ako kagabi kay Angelica na sabay kaming mag-lunch ngayon kaya isasama ko na lang siya.” “Alright and I hope na makumbinsi mo na makapag-invest ito dahil malaki ang maitutulong nito sa kompanya.” “Okay Director. No problem. I will do my best.” Its 12:00 noon nang sunduin ni Angelo si Angelica sa kanyang office at sabay silang nagtungo sa restaurant upang i-meet ang investor. Sa loob ng Restaurant napansin ni Angelica ang isang napakamatipuno’t gwapong lalaki na nakasuot ng tuxedo habang mag-isa itong nakaupo. “Angelo I think its him dahil nakita ko na siya dati sa office ni Dad at alam kong isang taon narin siyang pabalikbalik sa ating kompanya.” “Okay asan siya?” “He’s on your left side.” Biglang natulala si Angelo nang masilayan niya ito dahil hindi niya akalaing hawig na hawig ito sa dati niyang kasintahang pumanaw na. “Excuse me Mr. Ignacio kanina pa kita hinihintay rito.” “Angelo siya nga.” “Uhmmm.. Are you the investor na sinasabi sa akin ni Director Lee?” “Yeah. I’m Alexander Howard from Howard Asian Cruise and please have a seat.” “Thanks. And meet Angelica my fiancé.” Biglang tumayo si Alexander sa kanyang kinauupuan.” “Excuse me can I go first to the wash room and I’ll be back?” “Okay.” Pumunta na ng wash room si Alexander at itong si Angelo ay natutulala parin dahil sobra talaga ang pagkakahawig nilang dalawa ni Michael. Ang pagkakaiba lang nila’y itong si Alexander Howard ay may pagka-blonde ang buhok at hubog sa gym ang kanyang pangangatawan samantalang si Michael ay hindi ganoong kaganda ang katawan dahil may pinagdaraanang sakit ito nang huli niyang masilayan ngunit ang mga mata, ilong, labi at dimples sa kaliwang pisngi ay iisa kaya hindi maiwasan ni Angelo na isiping parang si Michael nga si Alexander. “Angelo? Oh bakit ka tulala?” “Ah wala lang Angelica.” Biglang napaisip ng malalim si Angelica sa nakikita niya sa kanyang nobyo. “Michael hindi parin kita nakakalimutan. Hindi ko lang alam kung bakit ganito ang tadhana at makakakilala ako ng taong hawig na hawig sa iyo and he’s the owner of Howard Asian Cruise. Why should I feel this na hindi ko parin kayang tanggapin na wala na si Michael sa aking buhay. Michael sana mapatawad mo ako dahil hindi ko nagampanan ang pangako kong hinding-hindi kita ipagpapalit ngunit hindi ko na ibabaling ang iyong mga alaala kay Mr. Alexander Howard dahil ayokong saktan si Angelica.” Ika ni Angelo sa kanyang kaloob-looban. “Angelo what’s wrong with you?” “Nothing.” “Nandyan na siya.” Umupo na si Alexander at sinimulan na nila ang kanilang pag-uusapan. Halata ni Angelo kay Alexander na kakaiba itong makipag-usap sa kanya at halata nito ang kalungkutan sa mga mata ni Alexander. “Mr. Howard are you okay?” Tanong ni Angelica. “Yah I’m okay. Kamamatay lang ng Mama ko kaya nagluluksa parin ako sa ngayon.” “Condolence at nakikiramay kami sa pagpanaw ng iyong ina.” Ika ni Angelica. After nilang mag-usap ay inimbitahan pa nila si Alexander sa kanilang Engagement Party. Wala sa isip ni Angelo na gawin ito ngunit si Angelica ang siyang nag-imbita sa binata. After 2 months ay Engagement Party na nila. Na-postpone ito last month dahil maraming inasikaso sa kompanya si Angelo. Napakaraming dumalo na mayayaman, mga may matataas na posisyon sa politika, mga kilalang artista at mga may-ari ng kompanyang ka-sosyo nila. Ang pamilya lang ni Angelo ang kanyang sinama at puro mga kaibigan naman ni Angelica ang inimbita ng dalaga. Sa mga imbitadong guest ay isa lang ang hindi pumunta at ‘yon ay ang may-ari ng Howard Asian Cruise na si Alexander Howard. Nag-iwan ito ng letter na hindi siya makakadalo dahil may appointment siya sa Phuket, Thailand with his Canadian fiance. Maraming press ang nagdagsaan at mga paparazzi na kumukuha ng litrato sa Engagement Party. Naging napakasaya ni Angelica sa kanilang Engagement ngunit napansin nito na malalim parin ang iniisip ng kanyang fiancé. “What’s wrong Angelo?” “Nabigla lang ako dahil napakaraming imbitado’t press na dumating. Angelica you know ito na ata ang pinakamasayang party sa aking buhay ang Engagement natin.” Ngunit bakas parin sa mga mata ng binata na may malalim itong iniisip. At parang may hinahanap ang kanyang mga mata sa mga dumating na guest ngunit hindi niya ito makita. “Maging ako rin Angelo. And I love you so much.” “I love you too Angelica.” After the Engagement Party ay agad na tumuloy sila Angelo at Angelica sa Condo-unit nilang dalawa in Makati . “Angelo I want that tonight will be our first. For 7 years na magkasama tayo bilang magkasintahan ay ibibigay ko na sayo ngayong gabi ang pagkababae ko.” “Angelica gusto kong sa Paris tayo mag-honeymoon after our wedding.” “Okay Angelo and I want that we will be the most romantic lovers in Paris .” “Sure my dear at huwag pa ngayon dahil gusto ko our first will be on Paris not now. At ‘yan ang kabilin-bilinan ng Dad mo.” “Angelo please kung okay lang na ngayon na? I love you so much at handa na ako ngayon na gawin ito.” “Angelica please respect my decision. We’ll do it after our marriage.” “Alright I understand you. I love you Angelo. I love you so much.” Maagang nagising si Angelica upang mag-prepare ng kanilang breakfast. Pagbalik ni Angelica habang dala-dala ang breakfast ni Angelo sa kanilang room ay narinig niyang may unti-unting ibinubulong ang binata habang itoy natutulog. “Michael. Baby ko I love you. Baby ko.” Bukang bibig ni Angelo. Biglang nabitawan ni Angelica ang hawak-hawak niyang pagkain sa kanyang narinig. At hindi niya lubos akalaing pangalan ng isang lalaki ang binabanggit ng kanyang mapapangasawa. Biglang nagising at bumangon si Angelo sa kanyang narinig na ingay. “Angelica anong nangyari?” “Ah napatid lang akong kaya nabitawan ko ang breakfast mo. Sorry Angelo ipaghahanda ulit kita.” Kaila ni Angelicang naluluha. “Huwag na lang Angelica sa office na lang ako mag-brebreakfast.” Pagpunta ng opisina ni Angelo ay nagpunta rin sa Green Hills si Angelica upang kausapin ang mga magulang ng binata. Masayang-masaya si Erwina dahil bumisita ang kanyang mamanugangin na si Angelica. Magkasundong-magkasundo ang mga ito simula ng una pa silang magkakilala. Sa garden nag-usap ang dalawa habang naliligo naman sa swimming pool ang mga kapatid ni Angelo. “May ibang minamahal po ba ang anak ninyo?” Panimula ni Angelica. “Wala iha. Mabait ang aking anak at hindi ka niya pagtataksilan. Kilala ko si Angelo iha at sinisigurado kong tapat magmahal ‘yon.” “Sino po si Michael? Bukang bibig niya ito habang natutulog na sinasabi niyang mahal niya ito.” Biglang natahimik si Aling Erwina sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung papaano niya sasagutin si Angelica dahil ayaw niyang malaman na may pagkaalanganin dati ang kanyang anak at umibig ito sa kapwa niya lalaki. “Nay sino po si Michael?” “Ha iha???” “Nay.. Bakit po Baby ko ang tawag niyo dito? Nay sino po si Michael?” “Iha si Michael ang bunso nilang kapatid na matagal nang patay. Siguro napanaginipan niya lang ito. Huwag kang mag-alala dahil walang iba si Angelo at hinding-hindi ka iiwan ng anak ko.” Pagsisinungaling ni Aling Erwina upang hindi na mag-isip pa ng kung ano-ano si Angelica. Naging panatag din si Angelica ngunit hindi parin niya kayang iwasan ang magtaka dahil ibang-iba ang pagkakasambit ni Angelo noong nananaginip ito na talagang may halong pagmamahal. Last November ang Engagement Party at sa disperas ng Pasko gaganapin ang pinakahihintay ng lahat na Wedding nila Angelo at Angelica. In Makati City sa main office ng Howard Asian Cruise Company nakatanggang ng invitation letter si Mr. Alexander Howard. “An invitation letter. Ignacio- de Araneta Nuptial on December 24th at 6:00 PM in St. Peters Church. Dadalo ako sa kasal ni Mr. Michael Angelo Ignacio.” Si Alexander. Dumating din ang pinakahihintay ng lahat na Wedding nila Angelo at Angelica. Maraming dumalong bisita at isa sa mga ito ang Presidente ng bansa. Televised pa ito kaya maraming makakasaksi. Ang Wedding ng nag-iisang anak ng multi millionaire na si President de Araneta ng MSN Company ay maibibilang sa napaka-engrandeng kasal sa kasaysayan ng bansa. Maraming taong nagdagsaan sa simbahan ngunit ang mga imbitado lamang ang mga pinapapasok rito. Kuhang-kuha ng camera ang napakagandang lalaking guest na may-ari ng Howard Asian Cruise na si Alexander Howard. Sa lawak ng simbahan ay umupong mag-isa si Alexander sa piankadulong lugar ng simbahan. Napakaelegante ni Mr. Howard sa Wedding at nang makita siya ni Angelo ay biglang napahinto ang binata sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid. Titig na titig sa kanya si Alexander at dama niya ang kalungkutan sa mga mata ng binata. Maraming humanga sa ayos ni Angelo dahil napasali siya sa most gorgeous groom in Life Style International Magazine. Ibinaling na lang ni Angelo ang kanyang atension sa iba at iniwasan niya ang mga titig ni Mr. Howard. Nagsimula na ang kasal, nakahanda nang lakarin ni Angelo ang daang papuntang altar at hintayin ang kanyang bride na si Angelica upang hingiin ang kamay nito sa kanyang Ama. Hindi akalain ni Angelo na dating simpleng mangingisda lamang siya noon ngunit ngayo’y ikakasanal na siya sa anak ng isa sa mga pinakamayaman sa buong Asya na pamilya. Kitang-kita ni Alexander ang paglalakad ni Angelo papuntang altar at nanumbalik muli ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan. “Michael Angelo Ignacio hindi kita ipinagkaitang magmahal muli ngunit bakit hindi mo ako dinamayan? Bakit hindi mo inalam ang lahat-lahat? Nakaligtas ako sa sakit na Lymphoma. Dinala ako ni Mama sa London upang ipagamot sa experto at himalang nakaligtas ako sa pagpapa-chemotherapy. Disperas noon ng pasko siyam na taon na ang nakakalipas nang marinig ko ang malakas mong hinaing, dalumhati at pagluluksa habang malakas ang hagupit ng panahon noon. Pinigilan ako ni Mama na lumabas ng gate dahil ayaw niyang iwanan ko siyang nagluluksa’t dahil napakalakas rin ng ulan. Inatake si Papa ng kinagabihan at namatay siya. Hindi mo alam ang lahat ng nangyari dahil hindi mo ako sinilayan at dahil natakot kang makita akong wala nang buhay. Hindi ko kayo nadatnan ng iyong pamilya dahil umalis na na kayo ng isla. Pero bakit Angelo? Bakit hindi ka na nanumbalik at tuluyan mo na akong iniwanan? Bakit Angelo? Bakit?” Dalumhati ni Michael na nagtago sa pangalang Alexander Howard. Nang paparating na ang bride ay nakita ni Michael ang kaligayahan sa mga mata ni Angelica. Ayaw nang sirain ni Michael ang buhay ni Angelo dahil alam niyang masaya na ito’t dahil tanggap na ng kanyang minamahal na wala na siya sa kanyang buhay na patay na siya sa kanyang puso. “Kung alam lang sana ni Angelo na pinangarap ko ring makasama siya ng panghabang-buhay ngunit hanggang pangarap nalang ito. Hanggang pangarap na lang…. Hindi na rin ako mag-mamahal ng iba dahil isa lang naman ang laman ng aking puso. Tama na rin ang pagpapanggap namin ni Gregory. Isa lang ang makakapawi sa mga kalungkutan at pangungulila ng aking puso at si Angelo lamang ang kasagutan sa lahat ng aking matagal na pagdurusa. Ang hirap at maski nagpakunsulta na ako sa isang psychiatrist sa London ngunit alam kong dito sa puso ko na si Angelo lamang ang kailangan nito. Ang umasa ang isang napakalaking pagkakamali sa aking buhay at nangangako akong hinding-hindi ko na ito gagawin ngunit ang mahalin ang taong siyang dahilan ko upang mabuhay ang hinding-hindi ko kayang alisin sa aking puso. Lahat ng tao’y hindi pinagpapala ng tadhana dahil ang tao mismo ang siyang gumagawa nito. Ang tao mismo ang siyang gumagawa ng kanyang tadhana. Panginoon ko wala po akong balak na guluhin ang kasal, ang nais ko lamang ay masilayan si Angelo kahit ito na ang huli at mangangako akong hinding-hindi ko sisirain ang aking buhay dahil lamang sa kanya. Buong puso kong naramdaman ang pagmamahal ni Angelo noon at mananatili na lang itong isang napakasayang alaala sa aking buhay. Salamat Panginoon at naranasan ko rin ang mahalin, ang madama ang pagmamahal ni Angelo. Salamat Panginoon. Salamat. Angelo paalam na sa iyo at sana maging maligaya ka sa piling ni Angelica habang buhay.” Dalumhati ni Michael sa kanyang kaloob-looban habang sabay-sabay ang pagpatak ng kanyang mga luha. Umalis din agad si Michael nang makita niyang inaabot na ni Angelo ang kanyang kamay kay Angelica. Nakita ng press ang pag-alis ni Michael at nahalata nilang nagdadalumhati ito. Agad na sinundo ng kanyang driver si Michael papuntang airport at mananatili na lang siyang patay sa puso ni Angelo habang buhay. Araw ng pasko Ika-25 ng Disyembre sa napag-iwanang Sand Castle Resort na dati’y kilalang-kilala sa buong Asya. Mag-isang naglalakad sa seashore si Michael habang suot-suot ang mga ginawang seashell necklace at bracelate ni Angelo sa kanya noon. Suot din niya ang pinakapaborito nitong puting damit. Isang napakalaki’t napakagandang sand castle ang kanyang nasilayan nang matapat siya sa isang kubo. Pinagmasdan niya ito’t naalala niya ang dating ginawang Sand Castle ni Angelo para sa kanya. “Isang napakalungkot na pasko ang ang aking mararanasan ngayong taon na ito. Kuntento narin ako sa mga alaalang hinding-hindi ko kayang itapon at hinding-hindi ko kayang ibaon sa limot. Ang mga alaala namin ni Angelo dito sa resort ang siyang magbibigay daan upang simulan ko muli ang magandang kinabukasan ng lugar na ito dahil muli kong bibigyan ng saya at muli kong bibigyan ng kulay ang Sand Castle Resort. Nais ko rin sanang Michael Angelo Resort ang ipangalan ko rito ngunit masbagay parin ang dati nitong pangalan.” Pinagmasdang mabauti ni Michael ang napakagandang Sand Castle. Wala na ring mga tao sa resort kaya aalis din siya mayamaya. Hindi parin maalis sa kanyang isipan kung sino ang may gawa ng Sand Castle na ito na hawig na hawig sa dating ginagawa para sa kanya ni Angelo. At muling nanumbalik sa kanyang alaala ang una nilang pagtatagpo’t una siyang nabighani sa kakayahan ni Angelo. 10 years earlier dito sa resort na ito binabalot ang kaligayahan ang pamilya Neilsby dahil sa nag-iisa nilang anak na si Michael Emanuel. Sa taglay na kagandahan ng resort ay dinadayo ito ng napakaraming turista. Napakaraming humahanga kay Michael sa gandang lalaki nito. Maski babae ay sila na ang nanliligaw sa kanya ngunit isa lang ang napansin ng kanyang puso, ang isang hamak na mangingisda sa kabilang isla na si Angelo. Isang gabi binalak ng Papa ni Michael na ipakasal siya sa isang napakayamang nag-mamay-ari ng isang Asian Cruise Company ngunit hindi pa handa ang binata upang magpakasal kaya nagbalak itong lumayas sa kanilang resort. Sumakay siya ng isang bangka at maghahating gabi na nang matungtong niya ang kabilang isla. Pagkagising niya kinaumagahan ay naglibut-libot siya rito’t nakakita ng isang napakagandang Sand Castle. Namangha siya sa ganda nito at napaidlip siya sa tabi ng Sand Castle. Pagmulat niya ng kanyang mga mata’y nasilayan niya ang napakagandang ngiti ng isang binatang hamak na mangingisda lamang. Naging kaibigan niya ito’t napagsabihan ng problema. Ang binata pa mismo ang nakapagkumbinsi kay Michael na umuwi na sa kanila. Bumalik din ng resort si Michael at lubhang nag-alala sa kanya ang mga magulang nito. Pinasalamatan ng kanyang Papa ang binata’t nagpakilala ito sa pangalang Angelo. Araw-araw magkasama sila Angelo at Michael sa seashore at doon na nabighani si Angelo. Inamin niya kay Michael na simula pa lang nang masilayan niya ito’y nakaramdam na ito ng pagmamahal sa kanya. Ngunit naging tutol ang Papa ni Michael sa pagmamahalan nilang dalawa dahil isang hamak na mangingisda lamang si Angelo at ayaw niyang tuluyang maging isang alanganin ang kanyang anak kaya binalak niyang paghiwalayin ang mga ito. Puro pasa sa katawan at bugbog ang inaabot ni Angelo sa mga tauhan ni George Neilsby kapag nagpupumilit siyang makita si Michael. Lubos na nagdurusa si Michael habang pinapanood ang kasintahang nasasaktan dahil sa kanya. Nagbalak si Michael na magpakamatay dahil ibinalita sa kanya na ipinapatay ng kanyang ama si Angelo ngunit wala naman itong katotohanan. Naabutan nila ang binata sa kanyang kwarto na naglas-las ng kanyang pulso. Wala na talagang magagawa ang Papa ni Michael kundi ang tanggapin si Angelo at humingi ng kapatawaran sa dalawa. Isang trahedya naman ang kanilang nabalitaang may Stage 4 Non-Hodgkin’s Lymphoma si Michael at nataningan na ito. Lubos na nagluksa ang mga magulang ni Michael sa balitang halos ika-atake sa puso ng kanyang Papa sa araw-araw na pag-aalala kay Michael. Isang dapit hapon palubog na ang araw at matatapos na ni Angelo ang kanyang ginagawang sand castle nang abutan siya ni Michael sa seashore ng resort. Nakaputi’t suot-sout niya ang mga ginawang seashell necklace at bracelet ni Angelo. Linapitan ni Angelo si Michael at yinakap ng mahigpit. At ito ang mga sandaling huling pagsasama nilang dalawa sa may dalampasigan. Ngunit kasalukayang nagdurusa parin si Michael dahil alam niyang patay na siya sa puso ng taong mahal niya. Nagpakasal na si Angelo at wala na siyang magagawa pa. At sa tabi niya’y naroon ang isang napakagandang Sand Castle. Gumawa rin siya ng kagaya nito ngunit hindi parin niya kayang mapantayan ang ganda ng Sand Castle sa kanyang tabi. “Sa araw na ito alam kong maligaya na si Angelo sa piling ni Angelica. Siguro patungo na sila sa kanilang honeymoon. Hindi ko hahayaang balutin ng lungkot ang aking buhay kahit alam kong habang buhay kong hahanaphanapin at mamahalin si Angelo. Mamaya’y tutungo na ako ng Boracay upang sumakay ng cruise. Lilibutin ko ang mundo kasabay ng pag-iwan ko sa lugar na ito. At ipapamahala ko ang resort na ito sa kompanya upang sa mga darating na taon at sa aking pagtanda’y dito ako mananatili hanggang sa aking huling hininga.” Nang matapos ni Michael ang Sand Castle na kanyang ginagawa’y sinimulan na niyang libutin ang buong resort sa huling pagkakataon dahil papalubog na ang araw. Namulot siya ng mga seashells habang naglalakad at sunod-sunod niyang nasilayan ang mga magkakatabing mga Sand Castles at sa hindi kalayuan ay may isang binatang masipag na gumagawa ng mga Sand Castle, maganda ang hubog ng pangangatawan nito’t mestizo. Tinitigang maiigi ni Michael ang binata at napansin niyang mag-isa lamang ito. Sa pagod siguro ng binata’y napahiga siya sa tabi ng Sand Castle na kanyang ginagawa. Dahan-dahan naglakad si Michael papalapit sa binata’t hindi niya kayang maiwasan ang mapaluha sa mga nag-gagandahang kastilyong buhangin na siyang nagbibigay alaala sa mga masasayang sandali nila ni Angelo. Natigil si Michael sa paglalakad nang makita niyang tumayo ang binata’t may hawak-hawak itong bandanang punung-puno ng lobong nakatali rito. Pinalipad ng binata ang mga lobo sabay ng paglipad ng dilaw na bandana. May mensaheng nakasulat sa bandanang pinalipad ng binata’t nabasa ito ni Michael. “Angelo hindi ko paring maiwasang isipin ka, hindi ko parin kayang pawiin ang aking pangungulila, hindi ko parin kayang pigilan ang aking puso na mahalin ka, Angelo hindi ko kaya, hindi ko kaya at patawarin mo ako kung hindi ko ipinaglaban ang aking nararamdaman, na hindi ko ipnagtapat sa iyo na nandito parin ako’t buhay. Angelo naging mahina ako dahil sa mga sandaling ‘yon ay inisip kong huwag na kitang gulihin pa. Wala na akong hinihiling sa Diyos dahil nakita na kitang maligaya, nakita na kitang masaya sa pagmamahal na inilaan sa iyo ni Angelica at masaya na rin ako para sa iyo Angelo. Masaya na ako na makita kita at kontento na ako dahil mahal na mahal kita. Sa mga oras na ito’y maihahambing na lang kita sa binatang aking nakikita. Napakasentimental nito’t alam kong gusto niyang iparating ang mga mensahe niya sa kanyang minamahal. Siguro kasing tindi rin ng pagmamahal mo ang pagmamahal niya sa taong mahal niya kaya nagawa niya ang mga ito. Basahin ko nga ang kanyang mensahe’t mukha disperado ang binata’t nakaluhod habang pinapanood ang sunset…… Michael alam kong nasaktan kita dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa iyo ngunit ang mga alaala mo ang siyang bubuhay sa akin at siyang magiging dahilan upang mahalin ka habang buhay.” Nagulat si Michael sa kanyang nabasa’t wala na siyang nagawa kundi isigaw ng buong pagmamahal ang pangalan ni Angelo. Tumakbo si Michael papunta sa binatang nangungulila sa kanyang minamahal. “Angelo. Angelooooooooooooooool!” Natigil ang mundo ni Angelo nang makita niyang tumatakbo papalapit sa kanya si Michael. Naisip niyang isa bang panaginip ito o nag-iilusyon lamang siya? Isa ba ito sa mga sanhi ng kanyang pangungulila o sadyang mabait talaga ang tadhana at sadya talagang napakabuti ng Diyos sa kanya? Paglapit ni Michael sa kanya’y agad siyang niyakap nito’t hinalikan ng buong-buong pagmamahal. “Angelo hindi ko sinira ang aking pangako sa iyo na hinding-hindi kita iiwan dahil ginusto kong lumaban. Gusto kong makasama ka habang buhay.” “Michael sabihin mong hindi ito isang panaginip? Diyos ko sana hindi po ako nag-iilusyon.” “Hindi Angelo… Hindi…” “Nagawa kong iwan sa harap ng altar ang babaeng aking papakasalan dahil hindi ko parin kayang sirain ang aking pangako, hindi ko parin kayang kalimutan ang lalaking habang buhay na mananatili sa aking puso at dahil hindi parin kita kayang palitan sa aking buhay Michael. Michael paano nangyari ito? Papaano natupad ang ilusyong aking pinakaaasam-asam? Papaano Michael? Papaano? Wala na akong kayang hilingin sa Diyos dahil nandito ka na Michael. Muli na kitang makakapiling at mangangako akong panghabang buhay na ito. Panghabang-buhay na ito Michael….” “Angelo wala na akong pamilya dahil ulila na ako. Si Papa ang namatay noong inakala mong ako ang pumanaw na. Kamamatay lang ni Mama mag-iisang taon na kaya napag-isipan kong hanapin ka at makita. Ngunit kahit nalaman kong may iba ka na ay hindi naman ako nagalit sa iyo dahil alam kong masaya ka na. Hindi ko binalak na guluhin kayo ni Angelica. Patawarin mo ako kung itinago ko ang aking sarili sa katauhan ni Alexander Howard dahil ito lang ang alam kong tama. Pero Angelo bakit sadyang ganito ang tadhana at akala ko’y naging napakalupit nito sa atin. Angelo wala na akong kayang hilingin pa sa Diyos wala na dahil nandito ka na sa akin. Nandito ka na Angelo.” “Michael buong buhay kong hiniling na ikaw ang makakasama ko hanggang sa aking pagtanda. Michael kahit pira-piraso ang aking pag-asa na sana huwag ka na lang mawala noong nalaman kong may Lymphoma ka. Sinubukan kong wakasan ang aking buhay nang malaman kong wala ka na ngunit sadyang mabuti ang Diyos dahil binigyan pa niya ako ng isang pagkakataon upang muling mabuhay. Umangat ako sa buhay at nakilala ko si Angelica. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko siya nasaktan ng lubos at iniwan ko siyang nag-iisa sa altar. Nagdesisyon akong mabuhay mag-isa’t pangarapin na lang kita. Nasabi ko sa aking sarili na kakayaning kong mabuhay at mabubuhay ako ng mag-isa sa mga alaala mo. Alam kong magiging malungkot ako sa paraang ito ngunit ito ang pinili ko Michael dahil ikaw ang pinili ko. Mahal parin kita, mahal na mahal parin kita Michael at nangangako akong habang buhay kitang mamahalin at makakasama. Michael hindi na isang panaginip o pangarap ang maitira kita sa aking palasyo dahil matutupad na ito Michael. Matutupad na ito.” “Angelo salamat.” “Michael ang saya ko. Ang saya ko.” Sabay ng paglubog ng araw, napapalibutan ng napakaraming Sand Castle ang resort habang ang dalawang magkasintahan ay masayang nagsumpaan na kailan may mamahalin nila ang isa’t isa habang buhay. At kasabay nito ang masasaya nilang tawa, mga ngiti at lambing sa isa’t isa. Matapos nilang mapanumbalik ang dating ganda ng resort at mag-isang dibdib sa Canada ay nagdesisyon silang mamuhay sa Cruise at libutin ang mundo. Hindi na nila hahayaan pang mawala ang kanilang pagmamahalan at nangako sa isa’t isa na magsasama sila ng panghabang-buhay. -WAKAS- _story by djhaime poe maniri
Posted on: Thu, 15 Aug 2013 08:07:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015