KWENTONG FACEBOOK Ni BUBOY MAGTANGGOL Marami - TopicsExpress



          

KWENTONG FACEBOOK Ni BUBOY MAGTANGGOL Marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan mo. Wala lang. Magpapansin. Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo. Mag-advice. Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.." Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to. Bakit pa? Sino ka ba? Nakakadiri. Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo pala!!" Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig, ang sinasabi mo lang palagi, "Tange, kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo. Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan buhay mo. " Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala kang lovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi" "At di ako mukhang tanga." May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa kanila? Totoo naman a. Tapos bigla mong mare-realize, may problema ka na rin pala. Hayop talaga. Gusto mong sumigaw. Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo ngayon? Ang dami mong crush, grabe. Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo. Ayos lang di ba? Kaso may isang taong di mo maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo, talagang ginugulo pa rin niya yung buhay mo. Para siyang mangkukulam. Kahit saan nakikita mo siya. Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso sinulat mo pa rin yung number nya sa diary mo. Engot ka talaga. Tapos nilagay mo ulit sa cell mo. Tapos inalis mo ulit kase nainis ka. Naihagis mo pa nga sa kama mo yung phone mo e. Tapos naisip mo wala rin namang epekto kung nasa cell mo siya o wala. kaya nilagay mo na lang ulit. Tapos binura mo na talaga ngayon. Panahon na para kalimutan na talaga sya --- naiisip mo. Okay na? Hinde. Mas malala. Na-memorize mo na kase yung number nya. Tsk tsk tsk. Naaawa ka na talaga sa sarili mo. Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko siyaa kanina." Asar na asar ka. Sabay sigaw with matching facial expression, "PAKEELAM KO?" At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang hinihintay na sagutin sa harap ng maraming tao: à "Baket? Ayaw mo na ba sa kanya?" Tatahimik ka muna.. Magbubuntung-hininga. lahat sila na naghihintay ng sagot mo. Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at magsasalita: "Sino yon?" Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow, para talagang di na nya kilala. Biglang makikita mo siya. Ayun. Mabubuwisit ka talaga. Maaalala mo yung mga panahong pinagmukha ka niyang tanga. Yung panahong kailangan mo siya. Yung panahong iniwan ka nya sa ere. Yung panahong tinalikuran ka nya. Masisira ang araw mo. Wala ka sa mood makipagtawanan. Sisigawan mo ang kaibigan mong natapakan ang white rubber shoes mo. Gugustuhin mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung bakit ka wala sa mood. Hihilingin mong mong makapag-teleport ka papuntang MARS. At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga pag in-love. " May background pang mga palihim na tawa. Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung leeg mo, yung mukha mo. Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong palusot, ngingiti at magsasalita, "Sino yon?" Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo. At bago mo pa mabawi ang sinabi mo, sasabihin na nila, "Baket? Me sinabe bang pangalan??? Yak!! Halata!!!" Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo. Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang balita. Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di mo kilala. Magbubulungan sila. titingnan ka, mula ulo hanggang paa, at maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?" Grabe, ang ganda na naman ng araw mo. Di mo na lang papansinin. Kahit nakikita mo na sila. Naaasar ka sa lahat ng tao. Bakit kailangang pakialaman ang buhay ng taong ni hindi nila kilala? Bakit kailangang pagtawanan at ipagkalat ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan? Marami pang version yung mga naririnig mo sa kanila. Minsan ganito, "Siya yun." O kaya, "Ows? Yan yon.. At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, kahit yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip mong kalimutan na lang talaga siya... Ganun lang. Hehehe. Ang haba ng story dun lang pala pupunta. Toink.. Admin BUBOY MAGTANGGOL Ang superherong pwedeng arkilahin. Hehehe..
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 06:04:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015