Kaugnay na balita: Napoles, Revilla, Estrada, Enrile kinasuhan ng - TopicsExpress



          

Kaugnay na balita: Napoles, Revilla, Estrada, Enrile kinasuhan ng pandarambong Juan Ponce Enrile - P172,834,500 Ramon Revilla Jr. - P224,512,500 Jinggoy Estrada - P183,793,750 Rizalina Seachon-Lanete - P108,405,000 Edgar Valdez - P56,087,500 The amount of plunder accumulated by each lawmaker representing the kickbacks received from Napoles, so itong limang pong ito puro more than P50 million, pahayag ni De Lima sa pulong balitaan matapos maihain ang kaso. Samantala, malversation of public funds, direct bribery at iba pang paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act ang inihabla kina Agusan del Sure representative Rodolfo Plaza, Bengue representative Samuel Dangwa, at Cagayan de Oro City representative Constantino Jaraula. Rodolfo Plaza - P42,137,800 Samuel Dangwa - P26,770,472 Constantino Jaraula - P20,843,750 Since yung amount of commission, kickbacks and rebates (from Napoles) are less than P50 million for these three lawmakers, hindi namin mailagay as plunder, dagdag ni De Lima. Sangkot din sa kaso ang dating chief of staff ni Enrile na si Jessica Gigi Reyes na nasa Macau hanggang ngayon. Inireklamo rin ng kaparehong kaso sina Alan Javellana of National Agribusiness Corporation (NABCOR); Gondalina Amata ng National Livelihood Development Corporation (NLDC); Antonio Ortiz at Dennis Cunanan ng Technology Resource Center (TRC); at Salvador Salacop ng Zamboanga del Norte Rubber Estate Corporation. This is only the first batch of respondents, ani De Lima na sinabing maaaring sa susunod na linggo maaihahain ang ikalawang batch ng mga kakasuhan. Nilinaw naman ni De Lima na tanging mga nagpasok lamang ng pera sa mga pekeng NGO ni Napoles ang kanilang kinasuhan at kakasuhan. Ang ginagawa lang ng NBI ay Napoles-related NGOs, De Lima said, explaining why other questionable NGOs do not figure in the complaints. •~*whiteocean
Posted on: Mon, 04 Nov 2013 03:02:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015