Kinausap uli ngayong umaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga - TopicsExpress



          

Kinausap uli ngayong umaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga evacuees sa nangyayaring kaguluhan sa Zamboanga City. Pasado alas 10 nang dumating ang Pangulo sa Zamboanga Sports Complex kung saan dinala ang mga inilikas na mamamayang naiipit sa kaguluhan. Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulong Aquino na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga taga-Zamboanga at sapat ang kanilang supply ng relief goods at iba pang pangangailangan. Ayon sa Pangulo, puspusan ang ginagawa ng gobyerno para maresolba na ng payapa ang tensyon at wala ng maibuwis na buhay. Si Pangulong Aquino ay kahapon pa sa Zamboanga para personal na i-assess ang kalagayan ng lugar matapos ang pagpasok ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) - Misuari group. "Magtulungan po tayo, malalagpasan natin ito" ani Pangulong Aquino. Ikinagalak naman ito ng mga sundalo kung saan sinabi ni AFP Public Information Officer Demy Zagala na nagpapataas ito sa kanilang morale at ramdam daw nila ang pagkalinga ng Pangulo.
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 06:35:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015