Kredibilidad Hirit na ni Arnold Clavio May bagong pasabog si - TopicsExpress



          

Kredibilidad Hirit na ni Arnold Clavio May bagong pasabog si Nanay Lolit Solis nang makausap namin noong Biyernes ng umaga sa aking radio program sa DZBB 594kHz -- ang kanyang minamahal na kaibigan na si Janet Lim-Napoles ay nagkakaroon pala ng pagkakataon na nakakalabas ng Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna para makaligo sa kanyang bahay sa Alabang. Siguradong tataas na naman ang kilay ng mga kinauukulan sa impormasyong ito. Totoo o hindi? Isa-isahin natin ang mga impormasyon na ikinuwento ni Nanay Lolit: - Noong umaga ng Agosto 20, ibinulgar ni Nanay Lolit ang naging pagtawag ni Executive Sec. Jojo Ochoa kay Napoles noong Disyembre 2009 para humingi ng campaign funds sa kandidatura ni noo’y Sen. Benigno Aquino III. - Tanghali ng Agosto 20, tumawag si Napoles kay Nanay Lolit at umiiyak na nagsabi, “Nay, bakit mo binanggit ‘yung kay Jojo Ochoa. Naku magagalit si PNoy niyan. I-retract mo Nay!” - Sa mga pagtitipon kay Napoles, ikinuwento ni Nanay Lolit na dumalo sina Julia Abad, head ng PMS at Gerry Acuzar, bayaw ni Ochoa. Pati na rin mga asawa nina Se­nate President Franklin Drilon, Sen. Jinggoy Estrada, Bong Revilla at iba pa. - Dagdag pa ni Nanay Lolit, sako-sako ng pera ang ipina­mamahagi ni Napoles tuwing may party ng Pebrero 28 at Disyembre 20 sa kanyang mga bisita. Siya ay nakakatanggap mula P50,000 hanggang P100,000.00. - Noong Biyernes, ibinulgar ni Nanay Lolit kung bakit hindi pa nahuhuli ang kapatid ni Napoles na si Reynald Lim. Iyon daw ang personal request ni Napoles bago sumuko. Sa lahat ng mga impormasyon ni Nanay Lolit, na layong makatulong sana sa imbestigasyon ng gobyerno laban sa iligal na gawain ni Napoles, ang tanging sagot ng Malacañang – “huwag nating paniwalaan si Nanay Lolit... taga-showbiz lang ‘yan.” Ganyan rin ang sagot ng Malacañang kay dating Sen. Kit Tatad na nagbulgar na bago sumuko si Napoles ay nananghalian pa ito sa palasyo. Sa halip na sagutin ng simpleng ‘YES’ or ‘NO’ ang ibina­batong akusasyon, ang trabaho ng mga tao sa palasyo ay kuwestyunin ang kredibilidad ng mga ito. Pero kung mayroong mababa ang kredibilidad ay ang mga taga-Malacañang mismo. Noong Biyernes, katawa-tawang ginamit ng maraming media ang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong June 28-30, 2013 na umano’y nagresulta ng 6+ na satisfaction rating daw ng Aquino Administration. Ngunit kung susuriin, ang nabanggit na survey ay ‘di sumasaklaw sa panahon ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy at ang panahon na nabunyag ang pork barrel scam ni Napoles. Takot ba ang Malacañang na ngayon magpa-survey ga­yong lumabas na rin ang posibleng ugnayan ni Napoles kay Pangulong Noynoy? Lord, Kayo na po ang bahala. (E-mail: iganclavio@yahoo) abante.ph/issue/sep2213/op_ac.htm#.Uj9k6tK-qCC
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 07:35:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015