Kung gusto mong magtagal kayo, dapat loyal ka sa partner mo. Oo, - TopicsExpress



          

Kung gusto mong magtagal kayo, dapat loyal ka sa partner mo. Oo, mahirap. Lalo pa’t andaming temtasyon sa paligid. Pero nasa sayo nadin naman yan kung paano ka iiwas sa mga bagay na ikasisira ng relasyon niyo. Ang temtasyon, hindi naman yan mawawa, lagi lang yan anjan sa paligid, kaya dapat alam mo kung paano iwasan ang mga ito. Kung alam mong magagalit yung mahal mo, bakit mo pa gagawin diba? Tsaka dapat, sa isang relationship, wala kayong tinatago sa isat-isa, mas mabuti na yung mag-away kayo dahil sinabi mong gusto mong gawin yung mga bagay-bagay, kesa naman nag-away kayo dahil nalaman niyang may ginawa kang hindi maganda. Lahat ng bagay nasosolusyunan naman, basta ba pinag-uusapan. Maging tapat ka sa boyfriend/girlfriend mo, hindi mo din naman gugustuhing maloko diba? Kasi alam mong masakit at mahirap? Kaya sana, wag mo din yang gawin sa kanya.
Posted on: Sun, 06 Oct 2013 06:57:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015