LAPITIN KB NG BABAE??? Mayroong mga lalaking sadyang lapitin ng - TopicsExpress



          

LAPITIN KB NG BABAE??? Mayroong mga lalaking sadyang lapitin ng mga kababaihan. Hindi na nila kailangan gumawa ng “extra-effort” para mapansin dahil tila normal na sa kanila ito. Sila ang mga tinatawag na mga “lapitin” at mga masuwerteng lalaki. Pero, may mga lalaki din na malas pagdating sa larangan ng pag-ibig o panliligaw na kahit na ano pang gawin nila ay hindi sila mapansin ng mga babae. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, dapat mong gawin ang mga sumusunod: Magpapogi – Importante ang iyong itsura dahil ito ang unang makikita. Tiyakin mong palaging naka-trim ang iyong buhok at malinis ang mukha. Pumili din ng damit na babagay sa’yo ang kulay at istilo. Pumili ng style na magpapakita sa iyong personalidad. Kung bibili ng mouthwash, piliin ang amoy mint. Maging gentleman - Iwasan mong maging dominante, sensitibo, at maging magaspang ang pag-uugali kapag ikaw ay nakikipag-date. Madaling ma-turn-off ang mga babae sa mga lalaking “ungentleman”. May “sense of humor” – Mas gusto ng mga kababaihan ang mga lalaking masaya kasama. Pero, hindi rin naman kailangan na palagi na lang nakakatawang bagay ang inyong pag-uusapan. Kailangan mo rin ipakita sa kanya na may magpapahalaga at seryoso ka rin sa mga na dapat seryosohin. Magkaroon ng “special skill” o talento – Maraming babae ang humahang sa mga lalaking may talento o kakayahan. Madali silang humanga sa mga lalaking magaling kumanta, tumugtog ng anumang musical instrument. Kahanga-hanga din sa kanila ang mga lalaking magagaling sa larangan ng “sports”. Kaya kung sa tingin mo ay mayroon kang talento o kakayahan na hindi mo pa nabibigyan ng pansin, bakit hindi mo ito hasain para ikaw ay gumaling sa talentong hawak mo. Tiyak na kapag may babaeng nakakita ng iyong kakayahan ay hahanga siya sa’yo. Magaling makipag-usap – Kung gusto mong maging “babe magnet”, dapat ay marunong ka rin makipag-usap sa anumang bagay. Nadidismaya kasi ang karamihan sa mga babae kung ang kanyang kausap ay matatawag na “non-sense” o walang kuwentang kausap. Dapat ay may alam ka kahit paano sa lahat ng bagay. Sabi nga “ A little of everything”. Para kung mapupunta ang inyong usapan sa “current event” o mapa-sports at fashion, ay mayroon kang nalalaman at maisasagot. Habang nakikipag-usap, maging magalang at magpakita ng respeto sa iyong kausap. Kahit pa minsan ay hindi ka sang-ayon sa kanyang sinasabi. Huwag magtataas ng boses, bagkus maging gentleman sa kanyang sinasabi. Trabaho – Hindi ka talaga magugustuhan ng mga babae kung ikaw ay walang trabaho. Importanteng mayroon ka nito. Dahil maraming babae na ang tingin sa mga lalaking walang trabaho ay “loser”. Maaaring kaya walang nakikipag-date sa’yo ay dahil wala kang trabaho.?” =CREATOR=
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 21:35:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015