LOCAL NEWS ‘Manong, ‘wag ka namang manghawak ng - TopicsExpress



          

LOCAL NEWS ‘Manong, ‘wag ka namang manghawak ng puwet!’ (Cherk Almadin) Kulungang rehas ang bagsak ng bungangerong taxi driver matapos nitong dalawang beses na hipuan sa puwet ang kapwa pasaherong babae sa Light Rail Transit (LRT), Caloocan City at nang kumprontahin siya ng huli ay binastos pa niya ito saka sinampal kamakalawa ng gabi. Napahiya umano ang biktimang kinilalang si Maribel Punta, 27-anyos, dalaga, sekretarya at naninirahan sa Meycauayan, Bulacan nang pagsalitaan siya ng nakakahiyang mga salita at pagkatapos ay sampalin pa siya ng suspek na si Oscar Villa, 30-anyos, taxi driver, residente ng Barangay 160, Caloocan City, sa halip na humingi na lamang ng paumanhin. Sa inisyal na imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police partikular na ni PO1 Riza Balbona, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi sa 5th Avenue station ng LRT kung saan una siyang hinipuan habang kapwa nag-aabang ng tren ang dalawa at sinundan ito nang makapasok na sila sa loob. Doon na niya kinumpronta ang suspek at sinabihang, “Manong! Wag ka namang manghawak ng puwet,” na sinagot naman ng suspek na, “Mahiya ka nga sa sa­rili mo! Itsura mong ‘yan!” Sa gitna nang pagsasagutan ng dalawa ay bigla na lamang sinampal ng suspek ang biktima na ikinagulat niya. At bago tuluyang tumi­gil ay pinagsabihan pa nito ang biktima nang, “Kung ayaw mong nahahawakan ang puwet mo ay huwag kang mag-LRT! Mag-taxi ka,” saka tumalikod na tila walang nangyari. Nang makarating sa Central Station sa Manila ay agad na bumaba ang biktima at nagsumbong sa security guard sa nasabing istasyon dahilan upang damputin ang suspek at idiretso sa himpilan ng pulisya. abante.ph/issue/aug1113/crimes02.htm
Posted on: Sun, 11 Aug 2013 02:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015