LONG DISTANCE RELATIONSHIP Sa relasyon, eto na ata ang - TopicsExpress



          

LONG DISTANCE RELATIONSHIP Sa relasyon, eto na ata ang pina-common sa ngayon. Siguro, dahil na rin sa talamak na naglilitawan na social networks. Mga hindi mo sinasadyang makilala, mga taong di mo kahit kailan naisip na magakakaroon ng malaking impact sa buhay mo. Marahil inisip mo nung umpisa, NEVER at napaka IMPOSIBLENG ma-inlove sa isang taong HINDI mo pa nakikilala at HINDI mo pa nakikita sa personal. Pero sa kabilang banda, may posibilidad talaga at hindi malayong mangyari lalo na sa panahon ngayon. Mapa-text man yan, chat, or Facebook. Pwedeng pag-umpisahan. Pero sa ganitong relasyon, aminin na naten, eto ang pinaka- mahirap. Bakit? Dahil isa na ring factor yung hindi kayo magkasama, the fact na magkalayo kayo. Kaya pag pumasok kayo sa gantong relasyon, dapat talaga may tiwala rin kayo sa isa’t isa. Doubts? Mahirap man iwasan yan. Natural lang naman ang magselos, malamang, mahal mo eh. Pero nilulugar yan. Yung may makatuwiran na dahilan or rason. Isa pa, involve din dito yung TIME, eto na lang din yung pwede mong ibigay para iparamdam niyo sa isat isa na mahal at seryoso kayo sa relasyon niyo. Disiplina sa sarili, bakit kailangan nito? Kung magkasama kayo palagi, hindi ka masyadong matutukso gumawa ng masama. Bantay-sarado ka pa nga kung minsan. Takot kang gumawa ng kalokohan, kasi nanjan lang sya, anytime pwede ka nyang puntahan sa bahay mo at bugbugin. Pero kung malayo kayo sa isat isa, dun nasusukat kung gano talaga kayo katapat sa isat isa. Pag sinabi mong aalis ka at kasama mo yung kapatid mo, siguraduhin mong kapatid mo talaga kasama mo? Pag sinabi mong matutulog ka na agad pagkababa ng phone, siguraduhin mong matutulog ka na talaga at hindi na gagawa ng kung ano-ano? Pag sinabi mong pupunta ka sa party at hindi ka iinom, siguraduhin mong hindi talaga. Yung mga simpleng bagay, pag pinag sisinungalingan pa naten, hindi imposibleng makakagawa tayo ng mas malaki pang kasinungalingan sa hinaharap. Kaya naman talaga saludo ako at bilib na bilib ako sa mga relasyon na nagumpisa at nagkatuluyan din hanggang sa huli dahil sa long distance relationship. Dito na ma-tetest kung gano niyo kamahal at kung gano kayo ka-dedicated sa isat isa. Hindi hadlang kung ilang kilometro, dagat, bundok, at panahon! Kung mahal niyo ang isat isa, walang kwenta at balewala yan. Kung naniniwala kayong magiging masaya kayo at sigurado na talaga kayo sa isat isat.. Im sure, WORTH IT lahat ng sacrifices niyo. -----> Being respected is more important than being beautiful\ -babe15
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 06:18:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015