Lahat bawal sa Davao City... ANO pa ba ang hindi bawal sa Davao - TopicsExpress



          

Lahat bawal sa Davao City... ANO pa ba ang hindi bawal sa Davao City? Kalalapag pa lang ng eroplano sa Davao International Airport ay agad-agad mag-aanunsyo ang flight attendant na mahigpit na pinagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar dito sa Davao City. Ang smoking ban ay isa lang sa mga pinagbabawal na tagumpay namang naipatupad dito sa siyudad sa may timog Mindanao. Higit 13 taon na ring umiiral ang smoking ban na nitong Hunyo lang ay pinalawak pa sa pamamagitan ng panibagong ordinance na nagsasakop ng mas mahigpit na mga provisions at maging ng sanctions. Isa pang kinaguguluhang ipinagbabawal dito ay ang pag-inom na nakasaad sa amended na existing liquor ban dito simula sa Agosto 1. Mas maaga nang ipinapatupad ang paghinto ng pagbenta ng mga inumin dito katulad ng beer, wine o anu mang liquor na kung dati ay magsisimula ang liquor ban ng 2:00 a.m., ngayon ay 1:00 a.m. Maraming umangal sa pinaagang simula ng liquor ban katulad ng mga bars at mga ibang establishments na nagbebenta ng inumin. Lugi raw sila. Ngunit umiral pa rin ang unanimous resolution ng Sangguniang Panglungsod nang pinasa nito ang amendments ng liquor ban nitong nagdaang Miyerkules lang. Ayon kay Mayor Rodrigo Duterte kailangang agahan ang simula ng liquor ban upang maiwasang mapainom ang mga kabataan na pawang mga estudyante pa nga. Kawawa nga naman ang mga magulang ng mga kabataang ito na ang akala ay matinong nag-aaral ang kanilang mga anak ngunit sa inuman pala ang bagsak. Ngunit may kabutihan namang naidudulot ang mga pagbabawal na ginagawa rito sa Davao City. Katulad na lang ng ban on the sale, possession and use of firecrackers and pyrotechnic materials hindi lamang tuwing Chistmas o New Year’s eve ay nagresulta sa zero-injury sa mga ospital rito na may 13 taon na ngayon. Tahimik ang mga emergency rooms ng mga ospital dito sa Davao City tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon hindi kagaya sa Metro Manila at iba pang lugar na kung saan pangkaraniwan nang nakikita ang mga sugatan na minsan ay putol ang mga kamay dahil sa paputok. Hindi maiwasang sasabihin ng karamihan na killjoy ang mga tao rito sa Davao City. Killjoy na kung killjoy. Basta’t para sa kabutihan ng mga mamamayan, bahala na kung patayin ang kaligayahan ng iilan kung ang kabutihan naman ng karamihan ang mamayani ay OK na OK lang. (Excerpt from DURIAN SHAKE Ni Edith R. Regalado/Pilipino Star Ngayon)
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 08:08:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015