Lalake? sila yung laging sinusumpa nating mga babaeng nasasaktan - TopicsExpress



          

Lalake? sila yung laging sinusumpa nating mga babaeng nasasaktan ng isang lalake, sila yung gago, sila yung walang emosyon, sila yung laging nananakit, sila yung masama pag naghiwalay. Pero hindi ba naten alam na pag sila ang nag mamahal minsan sila din ang nahihirapan, pag mahal kase nila ang isang tao todo sila mag effort, gago sila sa mga lalakeng lumalapit saten, istrikto sila sa mga lakad naten, gusto nila, kasing haba ng table cloth ang damit naten, mas pipiliin nila na masaktan kesa malaman nateng mga babae na mahina sila. Na pag naghiwalay na, nag tatapang tapangan lang sila, hindi sila marunong maghabol, matigas sila. pero kung alam lang naten na mas nasasaktan sila pag nakita nila na sumuko na tlaga tayo. Kase sanay sila na tayo yung naglalambing, tayo yung mag papakumbaba.. kaya sa huli mas durog ang puso nila. Di naman porket lalake sila, sing tigas na ng bakal ang pakiramdam nila. Mas malambot puso nila, yun nga lang mas matigas lang pride nila.
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 01:34:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015