Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Rain or Shine vs - TopicsExpress



          

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. Rain or Shine vs Barako Bull 6:30 p.m. Alaska vs San Mig Coffee MANILA, Philippines - Pipilitin ng San Mig Coffee na makamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa Alaska ngayong alas-7:30 ng gabi sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Kasalukuyang sumasakay sa isang two-game winning run ang Mixers matapos talunin ang Globalport Batang Pier, 102-88, noong Miyerkules at ang Ginebra Gin Kings, 89-86, noong Linggo. Nagmula naman ang Aces, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup, sa isang 112-104 paggupo sa Talk ‘N Text Tropang Texters noong Setyembre 6. Inaasahan nang makakalaro si Joe Devance matapos mapatawan ng isang one-game suspension at multang P30,000 dahil sa pagpapasimula sa sapakan nina Marc Pingris at Kelly Nabong ng Globalport noong Miyerkules. Isisilbi naman ni Pingris ang huli niyang suspensyon mula sa isang two-game ban at multang P60,000 dahil sa pakikipagrambulan kay Nabong. Sa nasabing panalo sa Gin Kings, umiskor si two- time PBA Most Valuable Player James Yap ng 19 points kasabay ng paglimita kay 2012 PBA MVP Mark Caguioa sa 6 markers mula sa 0-of-11 fieldgoals. Bukod kay Yap, muli ring aasahan ni coach Tim Cone para sa Mixers sina Devance, import Marqus Blakely, Yancy De Ocampo at PJ Simon. Itatapat naman ng Alaska ni Luigi Trillo sina reinforcement Wendell McKines, Cyrus Baguio, JVee Casio, Sonny ThossGabby Espinas at Dondon Hontiveros. Sa unang laro sa alas-5:15 ng hapon ay magkiita naman ang nagdedepensang Rain or Shine at ang Barako Bull. Target ng Energy ang kanilang ikalawang dikit na panalo at pagsosolo sa ikalawang puwesto sa pagharap sa Elasto Painters.
Posted on: Tue, 10 Sep 2013 14:32:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015