Liham ni Yolanda Nobyembre 15, 2013 in Masamang Epekto ng - TopicsExpress



          

Liham ni Yolanda Nobyembre 15, 2013 in Masamang Epekto ng Kalayaan 175 Votes devastated-tacloaban-city-typhoon-haiyan Dear Pilipinas, Ako si Yolanda. Oo ako ang bagyong pumatay sa libo ninyong mga kababayan. Pasensiya na. Marami ang nagalit sa akin dahil sa naidulot kong lakas ng hangin at pagtaas ng tubig sa kalupaan. Maliban sa buhay ng mga tao, hindi ko pinalampas ang kanilang mga pag-aari at buhay. Ako rin ang magiging dahilan ng paglamig ng inyong pasko at bagong taon. Lamig na hindi lamang dulot ng hangin kundi pati ng ala-alang hindi naisamang inanod pabalik sa dagat. Ako si Yolanda at pinili ko ang Pilipinas hindi dahil sa kayo ay malakas. Lalong hindi rin ako binayaran ng mga politikong magnanakaw para malihis ang inyong atensiyon sa kanila. Hindi totoong nagbayad sila sa Weather Manipulation Center at nagbayad ng milyong dolyar para manalasa ako sa inyong bansa. Pinili ko kayo sa isang dahilan. Dahilan na tiyak ay hindi pa ninyo mauunawaan sa ngayon. Gusto kong ipakita sa inyo ang kahalagahan ng pera. Alam niyo ba na sa isang iglap ay nawawala ang halaga ng pera? Oo, walang halaga ang pera. Ang pera ay papel o barya lang na pwedeng mapunit, masunog at mabasa. Abalang-abala ang karamihan sa paghahanap buhay at ang ilan, sa pagnanakaw at panloloko ng kapwa. Hindi ka bubusugin at tatanggalan ng uhaw ng pera mo. Hindi ka isasalba at ililigtas ng pera mo. Ang magliligtas sayo ay ang pakikipagkapwa mo, pagiging handa mo at pagiging masunurin mo. Kung sumunod kayo sa sinabi ng barangay tanod niyo na lumikas na, bahay niyo lang sana ang kinuha ko at hindi kasama ang buong pamilya mo. Kung naging handa ka at nanood ng balita at hindi ang inaabangan mong teleserye ay nakapag-imbak ka siguro ng maraming pagkain at tubig na maiinom. Kung mabait ka sa kapwa mo, kahit nanonood ka ng teleserye ay sasabihan ka nila at kakatukin sa pagkakatulog para lang mailikas ka. Ako si Yolanda at ang paborito kong laro ay ang Blame Game. Si P-Noy ang may kasalanan dahil wala siyang ginawa! Si Binay ang may kasalanan sa pagkadelay ng relief goods dahil nagpagawa pa ng plastic na may pangalan niya! Si Mar Roxas ang may kasalanan dahil ambagal niyang kumilos! Si Korina niloloko tayo sa imbento niyang kuwento! Si Anderson Cooper gawa-gawa ng kwento! Si Henares ang dahilan kung bakit nadelay ang tulong ng international community! Si Napoles ang may kasalanan dahil ang lahat ay abala sa panonood ng trial niya at hindi tuloy nakapaghanda ang iba! Ito talaga ang paborito kong laro. Ang sarap makita ang karamihan sa inyo na nagbabatuhan ng masasakit at mababahong pananalita. Hindi niyo alam ngayon kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Hindi niyo alam kung sino ang papanigan dahil ang bawat panig ay mukhang totoo ang sinasabi. Ang pangulo niyo ay napapakamot ng puyo niya sa ulo tuwing siya ang ginigisa. Hindi niya alam kung paano itatawid ang mga relief goods papunta sa mga nangangailangan. Kulang ang sasakyang pandagat, panghimpapawirin at panglupa. Pinilay ko kayo sa isang iglap upang ipamukha ang ginagawa ng mga politikong nanalo sa daya at ang mga taong binebenta ang kanilang boto. Alalahanin ninyo ako at isulat sa libro ng history. Dahil sa akin, marami ang tulong na dumagsa mula sa iba’t ibang bansa. Dahil sa akin, nakita ninyo kung gaano kahanda tumulong ang mga bansang inyong nakaalitan at nakatampuhan. Tuta ng kano? Magpasalamat kayo sa barko at eroplano nila. Bansa ng mga sakang? Magpasalamat kayo sa medical na tulong nila. Mga Tsekwang hilaw? Magpasalamat kayo sa daang libong dolyar na inabot nila. Mga mababahong arabo? Magpasalamat kayo sa UAE at Saudi na hindi nagdalawang isip sa pagtulong. Marami kayong dapat ipagpasalamat lalo na kung hindi ko kayo inabot at ligtas ang inyong pamilya at kamag-anak. Ako ang magiging taga-suri. Ako ang magpapalitaw kung sino ang mga taong may malinis, bukas at malaki ang puso at kamay. Kayo ang humusga kung kapa-imbabawan ang donation ni Kris Aquino, Angel Locsin at NBA Community. Kayo ang humusga kung pakitang tao lang ang tulong ng Vatican, Iglesia ni Cristo, Muslim, UNICEF at Redcross. Kayo na ang humusga kung pasikat lang sina Shoichi Kondoh na bata na taga-Japan, Ginggay Pajaros at Triple-S sa Bambang, si Benjie ng batang mang-inasal sa Butuan City at si Atom Araullo na hinampas at sinampal ko sa kasagsagan ng aking pagdaan. Ako si Yolanda at dahil sa akin, magkakaisa kayo. Ang kulay ng balat, ang liit ng mata at ang tangos ng ilong ay hindi na ninyo mapapansin. Makikita niyo na kawawa ang inyong bansa dahil hindi pa ninyo kaya kung kayo lang mag-isa. Maaawa kayo sa sarili niyo at magsisikap kayo. Mataas ang pride ng Pinoy. Ang ilan, hindi matanggap ang mamalimos. May utang na loob ang Pinoy. Dekada o siglo mula ngayon, hindi niyo malilimot kung paano kayo tinulungan ng US, Britain, Australia, UNWFP, UNICEF, Japan, China, Taiwan, ASEAN, Belgium, Canada, Qatar, Denmark, European Union, Germany, Hungary, Indonesia, Israel, Italy, Malaysia, The Netherlands, New Zealand, Norway, Russia, Saudi Arabia, Singapore, Spain, South Korea, Sweden, Switzerland, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, Redcross, World Vision, Mercy Corps, Doctors without Borders, Vatican, Ireland, Vietnam at mga NBA Player. Alam kong makakabangon kayo. Sa inyo nakadepende ang bilis ng inyong pagtayo. Sa inyong mga mapanuring mga mata at boses na nagkakaisa, sa konsensya ng mga politiko at businessman, sa pagtulong ng international community at higit sa lahat, sa inyong pagmamahal. Pagmamahal sa kapwa, sa paligid, sa kalayaan, sa hustisya at sa inyong Perlas ng Silanganan. Nagmamahal, Yolanda Duyan ka ng magiting -Metaporista About these ads Like this: Related2012 In Masamang Epekto ng KalayaanTanghali na, Bangon na In Masamang Epekto ng Kalayaan2013 In Masamang Epekto ng Kalayaan METAPORISTA Masuwerte tayo sa pagkakamit natin ng kalayaan. Malaya na tayo mag salita, kumilos at magdesisyon. Pero ang hindi natin alam, mayroon ding masasamang epekto ang lubusang pagtamo ng kalayaan. ITO ANG MGA LATEST NA PELIKULA ORDER NA! Amazon Widgets TWITTER Kung pinipilit ka ng magulang mo sa kursong ayaw mo, di solusyon ang pagrerebelde at pagpapakamatay. Pag-usapan niyo. Ibagsak mo. Usap ulit.----- 3 weeks ago Dapat iwasan ang tanong na: Ano ang natapos ng anak mo? Mukhang isa kasi yan sa pinakanakakadurog sa puso na tanong sa mga magulang.----- 3 weeks ago SARANGGOLA BLOG AWARDS 2 DADALHIN KITA SA PANGARAP MONG ULAP CLICK MO ITO, KUNG AYAW MONG MAHOLDAP MGA KAHANGA-HANGANG NILALANG Animus batangistik Beef tapa Bernard Umali DoonPoSaAmin Duking Hoshi Isko Jasonhamster Jec Jkulisap Kat Katy Migz naglalambingnacute Narsmanang Pong Salve Sunnystarfish RECENT POSTS Liham ni Yolanda Apple’s iPhone 6 will have 5-inch 1080P display Ang Batu-Balani Bunso’y Ang Panganay MGA BLOG NOONG NAKALIPAS NA BUWAN Nobyembre 2013 (2) Oktubre 2013 (4) Setyembre 2013 (4) Agosto 2013 (4) Hulyo 2013 (1) Pebrero 2013 (1) Enero 2013 (1) Disyembre 2012 (2) Nobyembre 2012 (6) Setyembre 2012 (1) Agosto 2012 (3) Hulyo 2012 (1) Hunyo 2012 (2) Enero 2012 (3) Disyembre 2011 (1) Oktubre 2011 (2) Setyembre 2011 (3) Agosto 2011 (5) Hulyo 2011 (2) Hunyo 2011 (2) Mayo 2011 (3) Abril 2011 (3) Marso 2011 (2) Pebrero 2011 (6) Enero 2011 (3) Disyembre 2010 (2) Nobyembre 2010 (3) Oktubre 2010 (6) Setyembre 2010 (3) Agosto 2010 (7) Hulyo 2010 (5) Hunyo 2010 (1) Mayo 2010 (1) Abril 2010 (6) Marso 2010 (8) ISA SA ISANG DOSENANG BUWAN NOBYEMBRE 2013 L M M H B S L « Okt 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 TOP POSTS Liham ni Yolanda Jokes Mga Sikat na Pintor Sa Pilipinas Apples iPhone 6 will have 5-inch 1080P display Linaw at Paliwanag Sa Mga Kasabihan at Pamahiin ng Matatanda About Ang Bagyo Sa Pilipinas Ang Panganay Tula ng Kalikasan Ang Batu-Balani EMAIL SUBSCRIPTION Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email. Join 113 other followers BLOG STATS 381,453 hits 160 mga punaMga punang ulat sa akdang ito. Nobyembre 15, 2013 Sa 4:31 hapon cheesecake Dahil kay Yolanda, naisiwalat sa buong mundo ang isang bagay na tayo mismo ipinagbubulag bulagan natin. Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 6:58 umaga tess espectacio Sana matutu”km lahat sa ginawa mo” at mabago ang mga kaisipan,di lang pan sariling kapakanan, sana d pera ang dinidyos,wl POLITIKA at wlang PASIKLABAN,,,sana lahat kmng tinuruan mo” ng leksyon,parang isang ina na nangaral sa mga anak,sana may natutunan km LAHaT,,salamat yoLanda,sa ARAl Na binigaY mo.. Masakit sa aming lahat,ang palo na binigay mo,pero tatanggapin namin lahat ito? Sa ngalang ng ama sa langit,, Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 12:29 hapon ALFRED “masakit aminin ang katotohanan…ang sugat kapag nakakanti ay makirot.” Kung ang bawat mamamayan bansa ay may itinatanim na alaala mula sa mga maling gawi hindi magiging mahirap ang pagbangon. Kung ang bawat indibidwal ay ginagampanan ang tungkulin madaling maibsan ang nararanasang pasakit ng buhay, ito man ay sanhi ng mga kalamidad ng kalikasan. Hindi perpekto ang mundo…lahat ay may kulang at kapintasan subali’t magkagano’n man sa diwa ng pagkakaisa at pag-ibig ay madaling malalampasan ang ano mang pagsubok…at sino ka, Yolanda, upang kantiin ang sakit ng aming bansa? Maaaring tama ka subali’t hindi mo kami kilala. Oo, may mga kababayan kaming kulang ang pang-unawa, mayroon ding matigas ang kalooban, ilan din ang walang pakialam,,,subali’t iyun lang ang alam mo…alalaon baga’y nakilala mo lang kami sapagka’t naparito ka,,,nguni’t tandaan mo, nakiraan ka lang. Hindi mo gagap ang totoong kami. Sinabi kong hindi kami perpekto subali’t kaming mga Pinoy ay nilikhang likas ang pagiging matatag…lumuluha subali’t buo ang loob. Yolanda, isa kang mapait na paalala,,,oo, mapait sapagka’t nalasahan ng bansa ang lupit mo. Kaya nga lang hindi mo natinag ang ang aming tatag, nagpaalala ka lang, at buong mundo ang naging kalaban mo. Akala mo ba nagtampay ka na mailugmok mo ang bayan namin sapagka’t batid mo ang kahinaan namin? Nagkakamali ka, Yolanda. Hindi mo nabatid ang pinakamabisa naming sandata,,,PILIPINO kami. MAHAL kami ng BUONG MUNDO,,,MAHAL namin ang isa’t isa…at higit sa lahat MAHAL KAMI NG DIYOS. Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 2:01 hapon Di-Nagpakilala Wala akong masasabi sa tatag, lakas at tapang ng loob para ipag laban kung saan ka ng mula! Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 2:41 hapon Yolanda See you next year -Yolanda Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 2:52 hapon Alan aragon kaloka next year ulit talaga? Tugon Nobyembre 19, 2013 Sa 7:48 umaga Mae Antoniette Villanueva waahh wag kn babalik yolanda. Maawa kn Tugon Nobyembre 19, 2013 Sa 4:01 umaga Di-Nagpakilala Tampa! Tugon Nobyembre 19, 2013 Sa 2:44 umaga Josh Sana magsilbi itong aral sa ating lahat. Walang mayaman o mahirap lahat tayo ay pantay pantay pangit man o maganda sa mga ganitong kalamidad walang pinipili. At sa huli hawak parin nating ang ating kapalaran, ang pagiisip ay realidad ang realidad ay ang pagiisip. Katulad ng sinabi ni Yolanda kung naging masunurin lang tayo e di sana wala masyado nag buwis ng buhay. Tandaan natin na walang permanenteng bagay dito sa mundo kaya magisip-isip ka kapatid. Nasa huli ang pagsisisi. Buhay ang Diyos nandyan lang siya pinagmamasadan tayo. Tugon Nobyembre 16, 2013 Sa 2:38 umaga katingera Dahil kay Yolanda, nalaman kong tayo mismo pala ang nagpabaon sa ating mga sarili sa kumunoy at inanod-anod ng maruming tubig-baha. Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 6:32 umaga Di-Nagpakilala kaya dapat maging matatag na lang ang bawat isa . Tugon Nobyembre 16, 2013 Sa 9:51 umaga Taga hinigaran ka kung dahil kay yolanda magising na tayo sa katotohanan Tugon Nobyembre 17, 2013 Sa 12:40 umaga tonsy salvador Dahil kay Yolanda, na-realize ko na kaya ko pa lang magbilad sa araw sa Villamor, magbuhat ng tubig para sa mga volunteers, mag-unpack ng higanteng boxes, mag-sort at fold ng hindi ko damit, makatanggap ng libreng sopas, mapasama sa selfie ng ibang mga tumulong, magpawis at mangamoy taong grasa upang makatulong sa mga kababayan kong naging mas mahirap pa sa pulubi ang dinanas. Hayop ka Yolanda. Ikaw ang kontrabidang kinailangan namin para ma-realize na kami pala mismo ang kontrabida sa kwentong ito. Hayop ka Yolanda. Ikaw ang nagdala sa amin ng hirap para makita kung sino ang mga hayop at ang mga tunay na tumutulong. Hayop ka Yolanda. Ikaw ang nagbukas sa aming mga mata. Hayop ka… hayop ka… hayop ka sa estilo mong sirain ang isang parte namin upang mailabas ang kagandahan ng karamihan at maraming salamat sa iyo. :( Tugon Nobyembre 18, 2013 Sa 7:24 umaga Atiledif Dell hindi sya hayup :( isa syang MONSTER nag terrorize at nagpayanig sa puso at pangkatauhan ng mga Pilipino.. at sana nga nagawa ni yolandang wasakin ang rock hearted ng mga corrupt politician$ at public servant$ .. sana nga magising ang mga TUNAY NA PILIPINO itaguyod muli nila ang kanilang mga dangal at integridad ng inang bayan .. sana nga walang Yolanda at kahit suSANA na bagyo ay hwag ng bumisita sa ating inang bayan :( at sana maging malaking aral ang binigay ni yolanda upang magkaisa , magsama sama bumangon ulit at maging matatag at maunlad ang Pilipinas at maging tapat at ma respeto sa bawat isa at batas ng demokrasya GOD BLESS PHILIPPINES & THE TRUE FILIPINOS
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 08:27:27 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015