Lihim ng makinis n muka . . Isang kaibigan na matagal ko ng hindi - TopicsExpress



          

Lihim ng makinis n muka . . Isang kaibigan na matagal ko ng hindi nababanaag ang muling nagpakita sa akin. At dahil matagal siyang nawala, pinuwersa ko siyang ilibre ako ng isang ultraelectromagnetic sa sarap na Mocha Strawberry Frappe. (Ang pinaka-da best na frappe sa balat ng lupa. Period. No erase.) Napansin niya na medyo kuminis (daw) ang aking mukha. Noong panahong kani-kanina kasi, maraming mga skwater na taghiyawat sa aking mukha - noo, pisngi, at ilong. Medyo kuminis na nga ako ng lagay na ito. Konti lang. Kaibigan: Pare, anong sikreto mo sa makinis na mukha? Anong ipinapahid mo? Juan: Simple lang. Naghihilamos ako at sinasabon ang aking mukha gamit ang Safeguard - para may superior skin germ protection. Kaibigan: Safeguard? Talaga? Ginagamit ko lang iyon panghugas ng kamay at ng puwet pagkatapos kong tumae. Juan: Exactly! Iyan ang problema sa inyong mga burgis eh! Pa-sosyal pa kayo ng mga sabon. Gumamit ng pang-masa! Safeguard! Ngayon, ayaw pa ring maniwala ng aking kaibigan na Safeguard nga ang aking ginagamit na panghilamos ng mukha. Kaibigan: Sige nga, patunayan mo nga na tumatalab ang Safeguard/ Juan: Sige, di ba Safeguard ang ginagamit mo panghugas ng kamay at ng puwet pagkatapos mong tumae? Kaibigan: Oo. Iyon nga ang ginagamit ko. Juan: Tinutubuan ba ng taghiyawat ang puwet mo? Hindi naman di ba? Kaya mabisa yun! Kaibigan: Lintek kang hayop ka! (Tumawa ng malakas) Pasintabi po sa mga kumakain. Ngunit base po sa aking karanasan, totoo pong mabisa ng pang-hilamos ng mukha ang Safeguard. Mayroong superior skin germ protection. Siguradong linis ang iyong mukha. Adios taghiyawat!
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 03:39:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015