Long Distance Relationship Sabi nila mahirap ang LDR. Bakit? - TopicsExpress



          

Long Distance Relationship Sabi nila mahirap ang LDR. Bakit? Dahil maraming temptations, maraming duda, marami kang nababalitaan na hindi maganda,hindi ka nakakasigurado kung totoo ba pinagsasabi niya, hindi mo siya nakakausap ng personalan, hindi mo mahawakan ang kamay niya, hindi mo siya mayakap at hindi mo siya mahalikan. Pero para sakin hindi mahirap ang pagiging LDR, nasa tao naman yan eh. Kung makakayanan eh di subukan at ipaglaban. Kung hindi naman pala kaya, wag na subukan baka kasi makasira o makasakit ka lang. Maganda para sakin yung may ka LDR. Bakit? Kasi sinusubukan mo ang sarili mo na maging loyal sa kanya, umuuwi ka ng maaga para makausap at makachat siya, nalalabanan mo ang temptations sa paligid mo dahil alam mong may mahal ka na, hinihintay mo yung araw na magkikita kayo, yung sabay kayo mangarap kahit hindi niyo pa nahahawakan ang isa’t isa. Yun bang nagiging malakas ka dahil sa isang tao, dahil alam mong may naghihintay pa para sayo. Sa Long Distance Relationship kailangan ang; •Communication •Trust •Loyalty •Honesty •Love •Effort •Time
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 11:17:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015