Luzon News 8-anyos lasog sa tren Halos magkalasug-lasog - TopicsExpress



          

Luzon News 8-anyos lasog sa tren Halos magkalasug-lasog ang katawan ng isang 8-anyos na batang lalaki matapos itong masagasaan ng tren nang madapa sa riles habang nakikipaglaro umano ng habulan kahapon ng umaga sa Naga City, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Mark Angelo Besmonte, residente ng Barangay Lerma ng nabanggit na lungsod. Base sa impormasyong nakuha mula kay Constancio Toledano, operations manager ng Philippine National Railways (PNR) ng Naga City, dakong alas- nuwebe ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing barangay. Nabatid na kasalukuyang papadaan ang isang Engineering train ng PRC sa Barangay Lerma patungo sana ng lalawigan ng Albay nang bigla umanong sumulpot ang tumatakbong bata sa riles kung saan dadaan ang tren at bigla itong nadapa. Dahil sa biglaang pangyayari, hindi na nagawang makapagpreno at mabawi ng operator ang manibela ng tren hanggang sa tuluyan nang pumailalim at masagasaan ang biktima. Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakikipaglaro umano ng habulan ang biktima nang mapunta sa riles at madapa, dahilan upang masagasaan ito ng paparating na tren. Sa kasalukuyan ay labis ang hinagpis ng pamilya ng biktima dahil sa pangyayari sa bata habang nagpahayag naman si Toledano ng tulong-pinansyal sa pamilya ng nasawi. (Edwin Balasa) -via Abante
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 04:02:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015