MAHAL KONG MAKASALANAN By Gilda Olvidado FINDERS Keepers. Kanya - TopicsExpress



          

MAHAL KONG MAKASALANAN By Gilda Olvidado FINDERS Keepers. Kanya na ang sampung milyong pisong naligaw sa kanyang bankbook. Ito na ang naging pasya ni Glenna. Katwiran pa ni Glenna, itong pera naman daw ay kusang naligaw sa kanyang bankbook. Kung may dapat mang sisihin sa sampung milyong pisong napunta sa kanyang account, ito ay ang bangko na rin. May nagawang kapabayaan ang bangko. Na nagkataon lamang na siya ang makikinabang. Hindi…hindi pala siya. Ang makikinabang ay ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay na laging kapos, super-mahihirap. Kasalanan ba kung tutulungan naman niya ang mga ito sa pamamagitan ng perang hindi naman niya ninakaw, kusa lamang napunta sa kanyang bank account? Sa batas, oo…ito ay kuwestiyunable. Siya ay maaaring kasuhan ng bad faith, pag-iimbot. Siya ay maaaring makulong. Pero sa puntong ang pinag-uusapan ay katarungan ng buhay may laban siya. Ano na lamang ba ang sampung milyong piso sa annual profit ng bangkong ito? Na ayon sa nabasa ni Glenna ay umaabot sa bilyon. Naging panlimang kumpanya sa laki ng kinita sa nagdaang taon ang bangkong ito. Kung tutuusin ay kapiranggot na bahagi lamang ng higanteng tubo ng bangko ang ipamamahagi niya sa mahihirap. “Tama ako. Hindi ako dapat matakot. Maganda ang hangarin ko sa kapwa,” usal ni Glenna sa sarili, sa isip lamang. At kung kakasuhan naman siya ng bangko, e di lalaban siya! Hindi mauubusan ng maaabilidad na abugado sa Maynila, if the price is right. Hindi naman siya basta-bastang makukulong. Meron at merong maisasalag na argumento at dahilan ang makukuha niyang abugado para harangan ang prosecution na siya ay maparusahan. Pagod na ngang talaga si Glenna sa kahirapan ng kanyang mundo. Kumbaga ay palaban na siya. Kunsabagay, kailan ba siya naging hindi palaban sa buhay? Sa nakagisnan niyang hirap sa Bambang, lumaki siyang hindi matatakutin. Ang kulungan ay isang posibilidad na hindi nagbibigay sa kanya ng nerbiyos. Maipauubaya niya sa kapalaran ang kanyang kahihinatnan. Ano ba naman ang masyado niyang panghihinayangan sa kanyang buhay ngayon? Maganda nga siya pero walang nobyo. Walang kulay ang kanyang buhay. Marahil, dahil nga nababalot siya ng sari-saring problema ng mga tao sa kanyang hikahos na daigdig, ang pag-asam ng romansa at pag-ibig ay ni hindi sumagi sa isip at puso ni Glenna. PABOR kay Glenna ang sitwasyon dahil nakuha niyang mag-withdraw nang tatlong beses hanggang sa maubos niyang kunin ang sampung milyong piso sa kanyang account. Hindi pa rin na-detect ng bangko ang computer error.... NAGAWANG i-withdraw lahat ni Glenna ang sampung milyong piso mula sa bangko. Isinara pa nga niya ang kanyang bank account, ang nasa isip ay baka hindi na siya ma-trace ng bangko. Gayunma’y nasa diwa rin niya na siya ay may address at iba pang impormasyon sa bangko, kasama na ang kanyang ID picture. Kung gayo’y dapat siyang maging handa anumang sandali, sakaling hahanapin siya ng mga taga-bangko. Nanatiling hindi niya binabalitaan si Amparing na best friend niya; walang kaalam-alam ang matalik na kaibigan na siya, si Glenna ng Bambang, ay meron nang sampung milyong piso. Nabilhan na kaagad ni Glenna ng mga panghanap-buhay ang kanyang malalapit na kamag-anak. Tricycle para sa kanyang Kuya ; sewing machine para sa kanyang ate; refrigerator para sa kanyang ditse; sa kanyang sangko ay bumili siya ng motorcycle na magagamit sa pagtatrabaho bilang messenger. At nakapamigay na rin siya kaagad ng malalaking halaga sa mga kaibigan at kapitbahay na talagang nangangailangan. Ilan ang hindi napigil ang kyuryosidad, nagsipagtanong kay Glenna. “Tumama ka ba sa lotto, Glenn?” “Ate Marya, huwag mo na lang itanong. Basta gamitin mo sa mabuti ang pera.” “Pero Glenna, hindi naman namin ikakalat kung tumama ka sa lotto. Sige na, sabihin mo na…” “Tita Pacing, basta po ako ay kinasihan ng kapalaran para makatulong sa kapwa ko na nangangailangan,” nakangiting tugon ni Glenna. Wala pa ring kaalam-alam si Amparing. Ayaw namang pansinin ang sundot ng kunsensiya. Kung sino pa ang best friend ay walang alam sa kanyang napakalaking pagbabago sa buhay? May tatlong kapitbahay na kailangan nang dalhin sa ospital at operahan, sinagot ni Glenna ang lahat ng gastos hanggang sa gumaling ang mga ito. KALAHATING milyong piso agad ang nabawas sa sampung milyon. Ang natitirang milyones ay hindi na ibinangko ni Glenna. Nagkaroon siya ng crude solution para dito. Inilagay niya sa matatabang kawayang alkansiya ang pera at ibinaon sa lupa, sa ilalim ng maliit na bahay na kanyang tinitirhan. Hatinggabi niya ginawa ang paghuhukay at pagbabaon. Kung may makikita siyang ibang mahihirap na tao ay saka niya babawasan ang perang nakabaon. Kahit pisong duling mula sa sampung milyong iyon ay walang ginamit si Glenna para sa sarili. Nanatili ang kanyang simpleng buhay. Simpleng pagkain, simpleng pananamit. Sumasakay pa rin siya sa traysikel sa pagpasok sa trabaho. Lagi namang kakaba-kaba na anumang sandali ay aarestuhin siya ng pulis....... page 6&7
Posted on: Sun, 21 Jul 2013 09:20:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015