★★MAHIRAP MAGING ISANG OFW ★★ Lahat ng bagay ay may - TopicsExpress



          

★★MAHIRAP MAGING ISANG OFW ★★ Lahat ng bagay ay may katapat. Ang saya, may lungkot, may ginhawa, may pagsisikap at ang magandang bukas, may sakripisyo. Gaano nga ba kabigat ang salitang sakripisyo? Sa pamilyang OFW.. Tulad mo Tulad ko at tulad nating lahat. Marahil may kaunting ginhawa, kapalit ng pawis at lungkot. Gaano ba kahirap para sa isang ina? Ang malamang may sakit ang anak mo.. hindi mo maalagaan samantalang ang ibang tao ay ikaw ang kumakalinga, kapalit ng perang ipapadala para guminhawa ang sariling pamilya. Ano ba ang pakiramdam ng amang OFW? Magtatapos ang anak mo, gustuhin mo mang ikaw ang magsabit ng kanyang medalya ay hindi maaari, dahil hindi pa tapos ang kontrata. Gaano ba kahirap sa isang kuya/ate na lumayo sa pamilya mo? Lalo na kung medyo matanda na mga magulang mo. Nagpapakahirap ka para matulungan ang mama at papa mo na may sakit. Nagbabanat ng buto at nagpapakapawis para lang may tuition fee ang nakababatang kapatid mo. Ngunit may mas masakit pa ba? kung may pumanaw kang mahal sa buhay? Ama? Ina? Kapatid? o kaibigan? Naisin mo mang ibigay ang huling respeto. Minsan, hindi mo naman magawa. Mahirap ang kalagayan ng pamilyang OFW. Hindi lang para sa Lumayo, kundi maging sa naiwan. Gaano ka man katatag, tatamaan ka rin ng lungkot sa mga mahahalagang araw…tulad ng Birthday, Anniversary at lalo na tuwing Pasko. Idadaan na lang sa chatting, texting at tawagan mapawi lang ang lungkot. Pero sino ba ang nakakaalam? Kung mag-isa ka na sa loob ng silid; papatak ang luha mo at magwiwish ka na sana iba ang naging sitwasyon. Pero yun ang kapalaran. Kailangang tanggapin na lang dahil hindi makabubuti kung lagi kang manghihinayang. Kailangan mong magtiis para sa pamilya. Dahil sila naman ang dahilan. Kaya sa kabila ng hirap nananatili kang matatag. Maraming pagsubok sa naiwan at sa lumayo. Madaming tukso….Paano mo lalabanan? at naghahanap ka ng puwedeng magtanggal ng lungkot na yan. Pero kailangan maging matatag ka para hindi masira ang pamilyang pinundar mo. Alam ko natutukso tayo, lalo na kung nababalot ka na naman ng lungkot. Yung mahal mong malayo sa iyo. Kung matitiis ang tukso walang masisirang pamilya.
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 08:30:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015