MATAAS ANG CHOLESTEROL: Tips para bumaba ito. By Dr. Willie T. - TopicsExpress



          

MATAAS ANG CHOLESTEROL: Tips para bumaba ito. By Dr. Willie T. Ong 1. Kumain ng oatmeal. Nakakababa ito ng cholesterol. Puwede ang instant oatmeal. 2. Kumain ng matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel at bangus. May omega-3 o good fats ito na nakakababa ng cholesterol. Iwasan ang taba ng baboy at baka (lechon, crispy pata, pata-tim, chicharon) na nagpapataas ng cholesterol. 3. Ang bawang ay may tulong sa pagpapababa ng cholesterol. Lutuin ang 2-3 butil ng bawang bawat araw. 4. Kumain ng maraming gulay dahil mataas ito sa fiber. 5. Umiwas sa pritong pagkain. Subukan ang pag-papakulo o pag-ihaw. 6. Mag-ehersisiyo ng regular. Panoorin ang video: https://youtube/watch?v=K7FIYqsVJko
Posted on: Wed, 01 Oct 2014 03:00:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015