MGA PASAWAY NA PASAHERO The Monument - Sila yung mahilig umupo sa - TopicsExpress



          

MGA PASAWAY NA PASAHERO The Monument - Sila yung mahilig umupo sa malapit o likod ng driver na ayaw mag-abot ng bayad o sukli. Deadma lang ang peg at feeling nilang di nila problema kung hindi umabot ang bayad mo sa driver o sukli ng driver sa iyo. The VIP - Sila ang mga pasaherong hindi alam ang upong otso, kung makaupo sakop ang pangdalawang tao. Kakapal ng mukha, kala mo ang binayad dalawang otso. The Shampoo Commercial Model - Sila ang mga pasaherong feel na feel ang hangin sa jeep habang humahampas ang kanilang buhok sa mukha ng kanilang katabi. Ang sarap kalbuhin. The Snorlax - Sila ang mga pasaherong mahilig matulog, kala mo pagod na pagod. Ginagawa nilang kama ang katabi nila. Kung makasandal wagas, sige sige pa rin sa pagtulog. Mabilis ang karma sa kanila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila. The Uchiha Clan - Sila ang mga pasaherong may matang hindi mapigilang makibasa sa text ng katabi nila. Ang sarap …. ang mata. The Kris Aquino & Friends - Sila ang mga pasaherong ubod ng arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit... kesyo masikip... (P…….a, mag-taxi kayo! The Bottomline with Boy Abunda - Sila ang mga pasaherong makakwento feeling may talk show. Sa lakas ng bunganga rinig ng lahat ng pasareho. Ang sarap pakainin ng siling labuyo.
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 06:42:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015