MUSLIM SA PILIPINAS... Assalamu Aliakum sa mga kapatiran at - TopicsExpress



          

MUSLIM SA PILIPINAS... Assalamu Aliakum sa mga kapatiran at Magandang Araw sa mga mahal kong kaibigan Non muslim.. Sino ang mga KATUTUBONG MUSLIM sa Pilipinas Pagkatapos na yumuko ang mga Muslim sa Luzon at Bisayas sa pananakop ng mga dayuhang Kastila, sila ay binendisyunang pilit sa pananampalatayang Kristiyano at pinagpapalitan ang mga tunog-Muslim na pangalan sa mala-Kastilang apelyido. Ganoon pa man, mayroon pa ring nanatiling matatag at handa na magbuwis ng dugo upang ipagtanggol ang pananampalatayang Islam. Sila ang mga katutubong Muslim ng Mindanao, Sulu at Palawan Las Islas de Pilipinas, na hindi nasakop ang mga katutubong Muslim ng MINSUPALA. Dumating ang mga Amerikano at pilit nilang sinakop ang mga nalalabing Muslim sa Mindanao, ngunit sila ay nabigo. Ganoon din ang nangyari ng dumating ang mga Hapon noong World War II. Umalis na lang ang mga Kastila sa bansang itinatag at tinawag na (MINSUPALA). Sino itong mga magigiting na mga katutubo na tinaguriang “The Unconquered”? 1. Meranao – Isa sa tatlong pinakamalaking tribo ng mga Muslim sa Pilipinas. Ang kanilang tribo ay matatagpuan sa paligid ng lawang Lanao sa gitnang bahagi ng Mindanao. Dito hinango ang mga pangalan ng kanilang tribo, ang taong taga-Lawa o “People of the Lake”. 2. Maguindanao – Kabilang sa pinakamalaking tribo ng mga Muslim sa Pilipinas ay ang mga Maguindanao na ang ibig sabihin ay: mga taong taga-kapatagan o “People of the Plain”. Matatagpuan sila sa mga probinsiya ng Cotabato. Sila ang pinakamalapit na tribo sa Meranao pagdating sa pananalita at kultura. 3. Tausog – Ang pangatlong pinakamalaking tribo ng mga Muslim sa Pilipinas. Sila ang mga naunang tribo na yumakap sa Islam. Ang kanilang tribo ay matatagpuan sa mga Isla ng Sulu, Basilan at Zamboanga. Ang salitang Tausog ay hinango sa salitang “tau” (tao) at “mausog” (matapang). Kaya sila ay tanyag sa katapangan. 4. Iranun – Isang maliit na tribo na matatagpuan sa kalagitnaan ng probinsiya ng Lanao del Sur at Maguindanao. Ayon sa mga ethnologists, dito nagmula ang tribo ng Meranao at Maguindanao. Mapapansin ito sa kanilang pananalita at pananamit ng dalawang malaking tribo. 5. Yakan – Ang tribong Yakan ay matatagpuan sa Isla ng Basilan, subalit marami na sa kanila ang naninirahan sa Zamboanga. Ang salitang Yakan ay nagmula sa salitang Yakal – isang uri ng puno na napakarami sa Isla ng Basilan. Ang kanilang kultura ay may pagkahawig sa Tausog. 6. Sama – Ang tribong Sama y matatagpuan sa mga Isla ng Sulu at Tawi-tawi. Ang pangalan ng kanilang tribo ay galling sa salitang “sama-sama” na ang ibig sabihin ay “togetherness” o “collective effort”. Sila ay binubuo ng lima pang maliliit na tribo – ang mga Badjao o Sama-Laut (sea gypsies), Sama-Balimbing, Sama-Simunul, Sama-Bangingi at Jama-Mapun. 7. Sangil – Ang kanilang tribo ay nagmula sa Isla ng Sangihe na matatagpuan sa Celebes Sea. Karamihan din sa kanila ay nasa probinsya ng Saranggani, Davao del Sur at South Cotabato. Ang kanilang pananalita ay hawig sa Bahasa (Malaysia) at Tausog. 8. Kalagan – Ang kalagan ay isang napakaliit na tribo. Sila ay matatagpuan sa probinsya ng Davao. Naging Muslim sila dahil sa pakikitungo nila sa mga tribo ng Maguindanao. 9. Kalibogan – Ang tribo ng kalibogan ay dating bahagi ng tribong Subanon na matatagpuan sa kasuluk-sulukan ng Zamboanga. Sila ay humiwalay sa Subanon ng tinanggap nila ang Islam. 10. Panimusan – Ang tribo ng Panimusan ay ang kauna-unahang Muslim sa Pilipinas. Ito ay dahil sa kanilang ugnayan sa mga naging Muslim ng Sulu. Maraming mga Tausog ang naglakbay sa Palawan upang ipalaganap ang Islam. Matatagpuan sila sa Timog na bahagi ng Palawan 11. Molbog – Ang tribo ng Molbog ay matatagpuan sa mga Isla ng Balabac ng Palawan. Nakilala nila ang Islam mula sa mga Muslim na nanggaling pa sa Brunei. Sila ay ilan lamang sa mga kilalang mga tribo sa Pilipinas na simulat sapol ay yumakap sa Islam bago pa dumating ang Kristiyanismo sa bansa. Sa ngayon, unti-unting nanunumbalik sa Islam ang mga hindi Muslim na tribo sa Luzon Bisayas at Mindanao. Mayroon ng mga Muslim na Tagalog, Bisaya, Ilocano, Ibanag, Kalinga, Kapampangan, Igorot, Waray, Ilonggo, Manobo, Tiruray, T’boli, Bikolano at Cebuano. Sila ang mga Balik-Islam. Kilala sila sa ganitong katawagan hindi para magkaroon ng panibagong tribo ng mga Muslim. Ito ay bansag lamang sa kanila sa kadahilanang sila ay nanumbalik lamang sa orihinal na pananampalataya ng Allah – ang Islam... Assalamu aliakum sa mga kapatiran kong muslim... LIKE & share para sa kagaddagan kaalaman tungkul sa ating bansa.. like page: https://facebook/pages/Pinoy-Muslim-Dawah/ JAZAKUMULLAHU KHAYRAN WA BARAKALLAHU FEEKUM JAMIAN
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 15:28:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015