Mangingisdang Pinoy na napadpad sa Japan, nabuhay sa saging at - TopicsExpress



          

Mangingisdang Pinoy na napadpad sa Japan, nabuhay sa saging at tubig-ulan Written by Ronald Tactay Published in Latest News Thursday, 22 August 2013 07:32 Nagpapagaling na sa Yaeyama Hospital sa Okinawa, Japan, ang isang mangingisdang Pinoy matapos mailigtas ng Japanese Coast Guard chopper habang nagpapalutang-lutang sa karagatan. Kuwento ni Samuel Carrera ng Philippine Coast Guard (PCG)-Batanes, Agosto 11 pa naiulat na nawawala si Julio Balanoba. Ayon kay Carrera, pauwi na ang 48-anyos na si Balonaba matapos mangisda sa Babuyan Island noong kasagsagan ng bagyong Labuyo nang magkaproblema ang kanyang bangka. Dahil sa lakas ng alon, tumaob ang kanyang bangka at upang hindi lumubog ay tinalian nito ng dalawang plastic water container ang gilid nito. Nagtiis sa pagkain ng saging at pakwan at pag-inom ng tubig-ulan ang Pinoy fisherman para mabuhay. Todo pasalamat si Balanoba sa Japanese authorities sa pagkakaligtas sa kanya. Samantala inihayag ni Joy Tirol, isang Filipino diplomat na nakabase sa Japan, na inaayos na ng embahada ang pag-uwi ni Balanoba sa bansa upang makasama na ang kanyang pamilya. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/18639-mangingisdang-pinoy-na-napadpad-sa-japan-uuwi-na-sa-bansa#sthash.XiiQTBNd.dpuf
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 08:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015