Marahil ang iba ay nagtaka ng maragdagan ng "Misteryo ng Liwanag" - TopicsExpress



          

Marahil ang iba ay nagtaka ng maragdagan ng "Misteryo ng Liwanag" ang Rosaryo. Papaano nga ba sumulpot iyan? BASA! Noong ika-16 ng Oktubre 2002, ipinagdiwang ni Juan Pablo II ang ika-24 na anibersaryo ng kanyang pagkapapa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng apostolikong liham na tinaguriang "Rosarium Virginis Mariae." Kalakip nito ang isang set ng mga mungkahi para sa Bagong Rosaryo. Iminungkahi ng Papa ang pagdagdag ng Mga Misteryo ng Liwanag sa Bagong Rosaryo. Ang Mga Misteryo ng Liwanag ay dadasalin sa araw ng Huwebes. Mananatili ang pagbigkas ng Mga Misteryo ng Tuwa sa mga araw ng Lunes at Sabado, ang Mga Misteryo ng Hapis sa mga araw ng Martes at Biyernes at ang Mga Misteryo ng Luwalhati sa mga araw ng Miyerkules at Linggo.
Posted on: Mon, 22 Jul 2013 23:48:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015