Maraming mga bagay-bagay na tinatatakan bilang “Spiritism” ang - TopicsExpress



          

Maraming mga bagay-bagay na tinatatakan bilang “Spiritism” ang nakakabahala, mali-mali, at lubus-lubusang walang kaugnayan sa mga prinsipiyo na pinaniniwalaan at mga gawaing isinasagawa natin. Hindi nila ipinapakilala ang Spiritism na itinipon ni Allan Kardec. Naririto ang Spiritism upang tulungan tayo, at hindi kailanman upang saktan tayo. Para sa mas wasto at malalim na impormasyon na makakatulong sa inyong maunawaan ang Spiritism at makilala ang mga lugar na pagkukunan ng mga ito na inyong mapagkakatiwalaan, tumungo kayo sa website na ExploreSpiritism. Sa kasawiang-palad, naghahain ang internet ng malabis na mga lugar, larawan, at video na madaling makalito (at posibleng makatakot) sa isang tao na nag-uusisa ng impormasyon ukol sa Espiritismo. Mga Espiritista, kailangan marinig ang ating mga boses at maimulat sa mga tao ang tungkol sa natatanging mga prinsipiyo, paniniwala, at gawain ng Espiritismo na binuo ni Allan Kardec, ang taong unang lumikha ng katawagan sa simula! Mga Lunduyan, hinihikayat kayo na ipaskil ang larawang ito sa inyong mga website o ibahagi ninyo sa inyong mga pahina sa Facebook. Salamat! “Tulad ng araw ang katotohanan. Pinaparam nito ang pinakamakapag na hamog.” - Allan Kardec, Ang Ebanghelyo Ayon sa Espiritismo, Kabanata XXI Tala 7.
Posted on: Thu, 13 Jun 2013 10:35:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015