Marikina river nasa critical level na, forced evacuation - TopicsExpress



          

Marikina river nasa critical level na, forced evacuation ipinatupad (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 20, 2013 -3:01pm Umabot na sa critical level ang tubig sa Marikina River kaya naman nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng forced evacuation sa mga residenteng malapit sa ilog ngayong Martes. Inanusyo ng Marikina Public Information Office (PIO) sa kanilang Twitter account kaninang 2:54 ng hapon na umabot na sa 18 meters ang tubig sa ilog kaya naman itinaas na nila ang alert level 4 at sapilitang paglikas ng mga residente. “ ABISO Marikenyo>>> #Marikinariver ALERT LEVEL 4.. 18m ang water level as of 2:45pm, FORCED EVACUATION. 10 likes 1 comments — PIO Marikina (@MarikinaPIO) August 20, 2013 ” Nakabukas na rin ang lahat ng kanilang floodgate upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig. Umabot na sa 519 pamilya o 2,630 na katao ang inilikas ng lokal na pamahalaan at dinala muna sa H. Bautista Elementary School na nagsilbing evacuation area. Admin Tisay
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 08:23:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015