Mauro "Malang" Santos Komiks/Newspaper Cartoonist Abstract - TopicsExpress



          

Mauro "Malang" Santos Komiks/Newspaper Cartoonist Abstract Painter Si Ginoong Mauro "Malang" Santos o mas kilala sa pagalang “Malang” ay nakilala muna bilang isang cartoonist bago siya naging isang mahusay na pintor. Nineteen years old lamang siya noon ng ipasiya niyang tumigil muna sa kanyang pag-aaral upang mapabilang sa staff ng Manila Chronicle art department under the noted cartoonist Liborio Gatbonton. Here, he created for the Evening Chronicle his first daily English comic strip na “Kosme” noong 1955. His Kosme character, a cop (retired) is about the henpecked husband who gets into all sorts of trouble particularly with his nagging wife. Regular ito noong lumalabas sa Manila Chronicle. Kasama rin si Malang sa grupo nina Liborio Gatbonton, Larry Alcala, Hugo Yonzon at Elmer Agustan na naghanda sa tanging galerya specializing in cartoons na tinawag nilang “Bughouse” Taong 1957 nang mapasama si Malang sa talaan ng tinatawag na “Twelve Artist in the Philippines Who’s Who" ni Lyd Arguilla na siya ring founder ng Philippine Art Gallery. Tumanggap din si Malang ng maraming award at parangal kabilang na dito ang nakamit niyang award for Editorial Design mula sa Art Directors Guild of the Philippines. Naging consistent din siya sa pagwawagi sa competition na ginaganap ng Society of Philippine Illustrators and Cartoonist (SPIC) kung saan nahirang siyang artist of the year noong 1964. Ang ilan pa sa mga cartoon character at cartoon strip na ginawa ni malang Santos ay ang, Tikoy, Alat 12, Bugoy, Osboy, Kosme, Chain Gang Charlie, Bentot, Beelzebub, Pocholo, Joketionary, Malang’s Managerie, Graphic Editorial, The Cop on Wheels, Legal Info, Dito’t Doon, at marami pang iba.
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 09:00:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015