May mga tao talaga sa buhay natin na dumating lang para turuan at - TopicsExpress



          

May mga tao talaga sa buhay natin na dumating lang para turuan at palakasin tayo; pero pagkatapos nun, aalis na. Madalas mahirap tanggapin lalo na kapag na-attach ka na sa tao. May pinagsamahan na kayo, matagal na kayong magkakilala. Syempre kung tayo lang naman ang papipiliin ayaw rin naman natin silang umalis. Pero gagawa at gagawa talaga ng paraan ang tadhana para alisin ang isang taong hindi naman dapat sa buhay natin. Kailangan lang na matuto tayong yakapin ang mga taong anjan parin, at pakawalan yung mga piniling umalis. Hindi naman agad-agad ibig sabihing iniwan at ginusto kang saktan ng tao; minsan hindi lang talaga kayo inilaan sa isa’t-isa, kaibigan man, kasintahan, o minsan kapamilya. Maiintidihan mo ‘yan habang tumatanda ka. Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo. Hindi lahat ng ayaw mong mawala sa’yo ay nadadaan sa iyak at pagmamakaawa. At hindi lahat ng nang-iwan sa’yo ay masamang tao. Habang dumarami ang karanasan natin sa buhay, unti-unti tayong natututong tumanggap ng nakalaan satin at bitawan ang para sa iba. =Gelbz=
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 09:41:50 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015