Mga negosyante sa So.Cot., umaangal na sa brown out KORONADAL - TopicsExpress



          

Mga negosyante sa So.Cot., umaangal na sa brown out KORONADAL CITY- UMAANGAL na ang mga negosyante sa lalawigan ng South Cotabato sa ipinapatupad na rotational brown out. Inihayag ni RJ Sustiguer ng South Cotabato Chamber of Commerce and Industry na malaking perwisyo ang brown out sa operasyon ng mga negosyante na siyang pangunahing apektado nito. Ayon pa kay Sustiguer na mas nanaisin nila ang mas mataas na singil sa kuryente kung ikukumpara sa hanggang anim na oras na brown out dahil mas malaki pa umano ang kanilang nagagastos sa paggamit ng generator. Umaasa naman ang mga nasa business sector na agad mareresolba ang problema sa kulang na supply ng kuryente sa lalawigan. Samantala siniguro naman ng South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO-1) na minamadali na nila ang pagtatayo ng modular generator at sa susunod na lingo inaasahan na hanggang 1sang oras na lamang ang brown out. (Arjean A. Bautista)
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 05:26:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015