Muslim community sa Reg.2, kinondena rin ang pag-atake ng - TopicsExpress



          

Muslim community sa Reg.2, kinondena rin ang pag-atake ng MNLF Written by Bombo Tuguegarao Published in More News Friday, 13 September 2013 TUGUEGARAO CITY - Kinondena rin ng Muslim community sa lungsod ng Tuguegarao ang ginawang pagsalakay ng breakaway group ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari sa Zamboanga City. Sinabi ni Haji Abdul Gabor Gidatu, lider ng Muslim community na mali ang ginawa ng grupo ni Misuari dahil muli na naman itong nagpapasiklab ng kaguluhan sa Mindanao. Sinabi ni Gidatu na suportado nila ang isinusulong na kasunduan ng pamahalaan at ang MILF. Ayon sa kanya, nakita kasi nila na walang magandang nagawa ang pamumuno ni Misuari sa Mindanao. Dahil dito, sinabi ni Gidatu na dapat na bigyan ng pagkakataon na ganap na maisulong ang framework agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF dahil naniniwala sila na ito ang magiging daan upang makamit ang inaasam na kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao at pagkakaisa ng buong bansa. Kasabay nito sinabi niya na nagpasiya silang umalis ng mindanao at magnegosyo sa lungsod dahil sa nais nilang makaiwas sa mga kaguluhan. - See more at: bomboradyo/news/more-news/item/22268-muslim-community-sa-reg-2-kinondena-rin-ang-pag-atake-ng-mnlf#sthash.y0fWl0IK.dpuf
Posted on: Fri, 13 Sep 2013 10:57:47 +0000

Trending Topics



eight:30px;">
Hayao Miyazaki sure has a lot to answer for. One of the leading
Lecce 2 Pieces Elegant European Sofa and Love Seat Set Collection
Location: Mud falt on the Mississippi River floodplain (subjected
We invite you, your Car Club and your Family & Friends to come
spmh2yhTbucMubsp

Recently Viewed Topics




© 2015