My Love is a Nerd : Chapter 11 Nagmamadali si Ashgab nang umagang - TopicsExpress



          

My Love is a Nerd : Chapter 11 Nagmamadali si Ashgab nang umagang iyon. Naipit kasi siya sa traffic at ngayon ay male-late na. Pasakay na sana siya sa elevator nang mapansin niyang nakatayo malapit doon si Zed. Minabuti niyang pumanhik na lamang sa hagdan kaya hinihingal siya nang makarating sa sixth floor. “Hi.” Muntik na siyang mapasigaw nang maratnang nakaupo si Kyle sa swivel chair ng sekretarya niya. “What are you doing here? I mean… nasaan ba si Pia? Tukoy niya sa sekretarya niya. “Nasa girl’s room yata,” nakangiting sagot nito. “A-are you in need of something?” Binuksan na niya ang pinto ng opisina at tumuloy sa loob niyon. Sumunod naman ito sa kanya. “I think there’s no reason para tanggihan mo na naman ang pag-aya ko sa iyong lumabas mamaya,” prangka nitong sabi nang makaupo na ito sa visitor’s chair sa harapan ng mesa niya. “Busy ako, Kyle, eh,” kaagad niyang sabi. “Please?” Saglit siyang natahimik. Hindi maiwasang hindi niya isipin na baka hindi pa nakontento si Zed sa ginawa nitong paghihiganti sa kanya kaya ngayon ay ginagamit nito ang pinsan nito para lalo siyang masaktan. “Bakit bigla kang umalis noon Kyle?” bigla niyang naitanong dito. “Why Kyle?” Matagal bago ito sumagot. Sunod-sunod na pagbuntung-hininga muna ang pinakawalan nito bago nagsalita. “Nasabi ko na sa iyo ang dahilan, ‘d ba? Nang malaman ko kung anong klase kang babae, kung sini-sino ang mga naging boyfriend mo, at gung gaano kaikli ang panahong ibinibigay mo sa isang relasyon, natakot akong baka gawin mo rin sa akin ang ginawa mo sa iba. Ang hiwalayan ako kung kailan hibang na hibang na ako sa’yo.” Napangiti ito. “W-walang kinalaman si…Zed?” she asked. “Hindi ka ba niya sinabihang hiwalayan ako?” “No. Sa tingin mo ba ay susundin ko si Zed kung siya ang nag-utos sa akin na gawin iyon? And besides, he was too nice before to think about that. Ngayon na nga lang nag-iba ang ugali ni pinsan. “At ako ang dahilan ng lahat ng iyon,”malungkot niyang sabi. “He told me.” “So what kung hindi ka niya seryosohin, Ashgab?” anito. “Nandito naman ako.” “Okay, hindi kita mamadaliin. I just want to tell you that I know the truth.” “What truth?” napatingin nitong tanong niya. “Na ako ang dahilan kung bakit ka lumipat sa kompanyang ito,” confident nitong sabi. “But don’t blame Zed for that. Nagkainuman kami the other night. Nasabi lang niya nang hindi sinasadya na ako ang sinadya mo rito. Na ako ang hinahanap mo. That you picked him over me because of his financial standing. Pero ako talaga ang gusto mo. Naumid na naman ang dila niya. “Now that I know the truth, siguro naman ay wala nang problema, Ashgab,” he said again. “Huwag kang mag-alala., marami na rin akong investments, so may magandang future ding naghihintay sa’yo sa piling ko. Trust me, Ashgab.” “I-it’s not the problem, Kyle,” hindi niya mapigilang sabi. “T-the truth is, nasabi ko lang iyon kay Zed dahil sa tindi ng galit ko sa kanya.” “What do you mean?” “It’s true, ikaw ang gusto kong makita nang pumunta ako rito sa LinkWorld. Kung nabaling man kay Zed ang atensiyon ko, iyon ay dahil sa masyado akong nagulat sa malaking ipinagbago niya. Nang pumayag akong magpakasal sa kanya, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. But things happened so fast. “Nang magkasama kami, nakita ko na naman ang mga bagay na kahanga-hanga sa kanya maliban sa panlabas na kaanyuan. Nakita ko ang mga bagay na muntik nang magpabulag sa akin noon. Nang araw na pumayag akong sumama sa kanya sa Cebu. The thing is, natutunan ko na siyang mahalin, Kyle. Pinasakitan ko lang siya ng masasakit na salita noon para pagtakpan ang nadarama ko. At aaminin ko nasasaktan pa din ako hanggang ngayon sa paghihiwalay namin.” Natigilan ito. “Ayokong nagmumukhang kawawa sa harap ng isang lalaki,” pagpapatuloy niya. “Ipinagkatiwala ko sa’yo ang lahat ng ito, sana lang ay huwag mo nang iparating kay Zed.” “So, that’s true,” he declared. Nakatungong tumango siya. “I love your cousin, Kyle.” Noon din ay gusto na niyang lumuha. “I-I’m sorry, Ashgab,” anito matapos ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga. Lumapit ito, niyakap siya, at hinagod ng kamay ang likod niya. Hindi na tuloy niya napigilan ang mapaluha. May ilang sandal rin sila ni Kyle sa ganoong posisyon. Nang humiwalay siya rito ay pinahid ang kanyang mga luha ay tila may naaninag siyang bulto sa sulok ng kanyang mga mata. Pagtingin niya sa pinto ay pormal na Zed ang nakita roon. “Zed,” she whispered. Subalit mabilis na tumalikod ito paalis. *** Ilang araw na ang nakalipas magmula noon. Ilang araw na ring hindi makakilos nang normal si Ashgab. Wala yatang umagang hindi siya nagduwal o nahihilo. Hindi na niya matapos-tapos pirmahan ang santambak na papeles sa opisina niya dahil sa maya’t maya niyang pagtungo sa rest room upang sumuka. Ganito pala ang nagbubuntis, sa loob-loob niya nang lumabas mula sa rest room. Tutop-tutop niya ang sariling bibig dahil baka bigla na lamang siyang sumuka. Uupo na lamang siya sa harap ng kanyang lamesa nang bigla siyang natigilan. May mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang mesa. Seven bouquets of flowers. Iba-ibang klase ng bulaklak at iba-iba rin ang kulay. Tingin niya ay para iyon sa pitong araw, ngunit hindi na yata makapaghintay ang sender ng mga iyon kaya pinagsabay-sabay na lamang sa iisang araw. Iisang lalaki lamang ang alam niyang mahilig magbigay ng ganoong bulaklak. Iisang lalaki lang. “I-I hope you liked them.” Awtomatiko siyang nag-angat ng paningin nang maring ang tinig na iyon. Noon lamang niya namalayang naroon si Zed at tila kanina pa nakatunghay sa kanya. “W-what do you want?” Hindi na niya naitago ang sarcasm sa kanyang tinig. “I just wanna say good-bye,” he said softly. “Ini-endorse ko muna kay Kyle ang company. Hindi pa pala ako dapat umuwi dito. Marami pa pala akong dapat pag-isipan. I cannot function normally. I fell so incomplete lately. “Bakit ka pa nagpapaalam sa akin?” Humarap siya sa dingding na salamin. Ayaw niyang makita nito sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan. Ayaw niyang malaman nitong parang hindi niya kayang mabuhay nang wala ito. “It’s not the only thing I want to do. Ashley, I…I want to apologize.” Bigla siyang napaharap muli dito. Nakatungo itong tila nagsisisi sa nagawang pagkakamali sa kanya. “Totoong inisip kong paghigantihan ka. Pero ako ang nahulog sa sarili kong bitag. Ako ang nahihirapan. Ako ang hindi makagalaw. Ako ang labis na apektado. Nag-angat ito ng paningin. May naaaninag na siyang namumuong luha sa mga mata nito. “Sa araw ng ating kasal, litong-lito ako. Narito pa rin ang sakit na dulot ng nakaraan…” Itinuro nito sa dibdib. “yet, there was excitement. Parang gusto ko nang pakasalan ka. Pero nanaig pa rin ang galit sa dibdib ko. I felt so miserable when I left for the states on the day of our wedding. Sarili ko ang pinarusahan ko nang mga sandaling iyon at hindi ikaw. “And when I was there, I realized something. Something that made me feels more scared. Nang talikuran kita sa araw ng ating kasal, ako ang mas nahirapan, Ashley. It was like killing myself. Lumipas ang maraming taon, ngunit hindi pala nawala ang pagmamahal ko sa’yo. Pinaniwala ko lamang pala ang sarili kong nakalimutan na kita. Yes, you are the girl that I loved so much. Hindi siya nakapagsalita sa labis na pagkabigla. Totoo ba iyong narinig niya? “Minsan na akong nagpakababa,” pagpapatuloy niya. “Ngmukhang tanga at halos mapabayaan ang sarili dahil sa sobrang pagmamahal. Hindi ako mahihiyang muling ibalik ang lahat na iyon, Ashley. But I guess, it’s too late. Alam kong si Kyle pa rin ang gusto mo.” Gusto niyang itama ang maling akala nito ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Nabuo marahil iyon sa isip nito nang makita sila ni Kyle na magkayakap. “Good luck sa inyong dalawa ni Kyle, Ashley,” muling sabi nito. “I wish you happiness. I hope you forgive me.” Pagkatapos niyon ay may ilang sandaling naghari ang katahimikan. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito marahil ganoon din sa kanya. “I-if you need anything, lalo na tungkol sa b-baby natin, just tell me,” he said again in a very weak voice. “If it’s okay with you, gusto ko sanang suportahan ang bata. At sana ay huwag mo siyang ipagkait sa akin. Honestly, I am an excited dad. I really am, Ashley.” May pait na ngiti na sumilay sa mga labi nito. “Good-bye, Ashley.” Wala na siyang ibang nasabi nang humakbang ito patungo sa pinto. Nang makalabas ito sa saka lamang niya nagawang pakawalan ang mga luhang kanina pa gusto bumagsak sa kanyang mga mata. Lloydrhek m/
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 07:47:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015